Biyernes, Enero 28, 2011

MAARI AKONG MAKIPAG-USAP SA IYO…MALIBAN KUNG!

Nakalulungkot, maraming mga Kristiyano ay hindi kilala ang tinig ng Diyos. Mayroon ilan na buwan na ang lumipas, maging mga taon na, na hindi pa rin nakatatanggap ng malapit na salita ni Yahweh sa kanilang kaloob-looban. Ang Diyos ay nangusap sa kanila minsan. Ngunit sa mga lumipas na mga taon, natutunan nilang patahimikin ang kanyang tinig sa kanilang mga puso. Ang iba ay nagbago sa dahilan ng maraming kalokohan sa mga naniniwala na ang bawat tinig na biglang lalabas sa kanilang isipan ay banal. Ang mga taong ito ay ipinagyayabang, “Sinabi ng Diyos sa akin—gayunman ang “salita” na narinig nila ay ang kanilang sakim na laman ang nagsasalita!”

Kung nais ninyong makilala at marinig ang tinig ng Diyos sa mga araw na parating, maging handa na marinig siyang nangungusap ng paglilinis bago siya mangusap ng patutunguhan. Maramimg Kristiyano ay gustong sabihin sa kanila ng Diyos na sabihin sa kanila kung paano panghahawakan ang kanilang mga kinita, paano tutustusan ang kanilang mga pamilya, paano nila pananatilihin ang kanilang mga negosyo o karera na matatag. Ngunit ang katotohanan ay, bago tayo bigyan ng Diyos ng direksyon sa mga bagay na ito ay, mangungusap muna siya tungkol sa kanyang mga ipinag-uutos.

“Ito ang iniuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo” (Juan 15:17). Una munang mangungusap ang Diyos sa inyo tungkol sa inyong mga ikinikilos sa inyong tahanan kasama ang inyong asawa at mga anak—tungkol sa inyong pagiging madaling magalit, ang inyong mga kinikimkim na sama ng loob, ang inyong ayaw na magpatawad na espiritu. Tutukuyin niya ang bawat nakatagong, lihim na bagay sa inyong mga buhay—at may pagmamahal na sasabihin sa inyo, “Gusto kong maging tagapayo mo, iyong manananggol, iyong gabay, iyong tagakupkop, iyong tagapagtustos. Nais kong maglakad kasama mo sa bawat pagsubok at kahirapan. AT nais kong bigyan, pagpalain at kupkupin ko kayo sa pamamagitan ng aking Espiritu. Ngunit una, kailangang maging tapat muna kayo sa akin tungkol sa mga nakatagong diyus-diyusan sa inyong mga puso. Sa mga sandaling ito pinanghahawakan pa rin ninyo ang mga ito—ngunit kailangang iwaksi na ninyo ito! Hindi tayo maaring maglakad magkasama hanggang hindi tayo nagkakasundo sa mga bagay na ito sa inyong mga puso!”