Huwebes, Enero 27, 2011

KILALANIN ANG TINIG NG DIYOS

Gusto ng Diyos na malaman natin na kahit gaano kabigat ang dumating sa atin, ay pananatilihin niya ang lahat na nananalig sa kanya—sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang mahinahon, maliit na tinig, na nagungusap sa ating kalooban araw-araw.

Ito ay pinagtibay ng propetang Isaias: “Maririnig ninyo ang kanyang tinig at siya ang laging kaalakbay ninyo upang ituro ang inyong daranan” (Isaias 30:21). Kailangang maunawaan ninyo na ibinigay ni Isaias ang salitang ito sa pinakagipit na panahon. Ang bansa ay nasa paghuhukom, lubos na wasak, na ang lahat ay nagigiba na. At kaya sinabi ni Isaias sa mga pinuno ng Israel, “Lumapit kayo kay Yahweh ngayon! Gusto niya kayong bigyan ng gabay ng patutunguhan—para mangusap sa inyo, sinasabing, ‘Pumunta sa daang ito, sa daang iyon, narito ang daan…’” Ngunit ayaw nilang makinig. Napagpasiyahan nilang lumapit sa Egipto para mailigtas sila! Akala nila ay maari nilang asahan ang mga karosa, mga kabayo at mga panustos ng Egipto para makaligtas sila.

Gayunaman, hindi ipinadala ng Diyos ang lahat ng kanyang hatol sa Israel sa puntong iyon. Sa halip, nagpasiya siyang maghintay hanggang ang pinakailalim ay mahulog sa labas ng plano. Sinabi niya, “Ngunit ang Diyos ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan Diyos na makatarungan itong si Yahweh, mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya!” (t.18). Kinalabasan, lahat ay nabigo, at ang mga bagay ay lalo lamang lumala para sa bansa. Sa huli, nang ang lahat ng balak nila ay nawalan ng saysay, sinabi ng Diyos sa mga tao niya, “Ngayon hayaan ninyong ako na ang bahala! Buksan ninyo ang inyong mga tainga, at ako ay mangungusap sa inyo. ALam ko ang daan ng kaligtasan, at pangungunahan ko kayo. Gusto kong gabayan ang bawat hakbang ninyo, sa kanan, sa kaliwa, para iligtas kayo. Gagabayan ko kayo sa pamamgitan ng tinig ko—mangungusap sa inyo, sasabihin sa inyo ang gagawin ninyo, hanggang sa pinakahuling detalye!”

Ang mahalaga—ang pinaka-importante—ay ang makilala ninyo ang tinig ng Diyos. Siya ay nananatiling nangungusap. Niliwanag niya, “Kilala ng mga tupa ko ang aking tinig.” Maraming tinig ngayon sa sanlibutan—malakas, nag-uutos na tinig. Ngunit nadoon pa rin ang mahinahon, maliit na tinig ni Yahweh na maaring makilala at marinig ng lahat na nagtitiwala sa sasabihin ni Jesus.