Ang kapatawaran ng Diyos ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi natin ito kayang ipaliwanag. Ang handog ni Cristo sa atin ng kanyang pagtatakip-sala ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo ay lubhang malalim, ganap na mapagbiyaya, ganap na mahiwaga, ito ay higit pa sa abot ng pang-unawa ninuman. Maaring makita natin ang batas na nakapataw sa ating mga kasalanan. Maaring madama natin ang pagpaparusa takot at kahihiyan dahil sa ating mga pagsaway. Ngunit ang ating Amang nasa langit ay nakatayo sa ating tabi ng may buong pag-ibig sa atin sa lahat ng sandali, nakahandang magpatawad.
Ang dugo ni Cristo, ang pag-ibig ng Ama, ang hangad ng Panginoon na magpatawad: ang lahat ng biyayang ito ay malalaman lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. "Ang pinawalang-sala ay mabubuhay dahil sa pananampalataya" (Galacias 3:11).
Maaring magtaka ka, “Ilang ulit akong patatawarin ng Panginoon sa aking paulit-ulit na paggawa ng katulad na kasalanan?” Pumanatag ka na ang kanyang di-kapani-paniwalang kapatawaran ay walang hangganan. Sa tuwing magkakasala ka, maari kang dumulog kay Jesus at makakatagpo ka ng kalayaan. Gayunpaman ang kapatawaran ng Panginoon ay hindi bulag. Para makasiguro, ang ating Amang nasa langit ay pinatatawad tayo—ngunit sa isang tiyak na kalagayan, dinidisiplina niya tayo para hindi natin maipagpatuloy ang magkasalang muli. “Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya,
at pinapalo ang itinuturing niyang anak" (Hebreo 12:6).