Lunes, Enero 17, 2011

MARAMING KRISTIYANO AY NANANATILING NAKALUGMOK SA ILALIM, NA MAY PANGLULUPAYPAY

Para sa maraming mananampalataya, ang malubog sa ilalim ay nangangahulugan na ng katapusan. Lubha silang nakukubabawan ng kanilang mga kabiguan, namuo sa kanila ang kaisipan ng isang hamak. At sa ilang iglap nadama nilang sila'y nabitag at wala nang tulong na maasahan. Isinulat ni Isaias ang ganitong mga mananampalataya, "O Jerusalem, nagdurusang lunsod na walang umaliw sa kapighatian. (Isaias 54:11)

At sumunod dito ay ang ilan ay nagsimulang magalit sa Diyos. Napagod sila ng kahihintay sa kanyang pagkilos, kaya’t tumataghoy silang may pagrereklamo, “Panginoon, nasaan ka ng kinakailangan kita? Dumadaing ako ng kalayaan sa iyo, ngunit hindi ka sumasagot. Ginawa ko na ang lahat ng alam kong maari kong gawin, gayunpaman hindi pa rin ako makalaya. Pagod na ako sa pagsisisi at pagtaghoy, na hindi nakakakita ng pagbabago!” Maraming mananampalataya ay sumuko na sa kasusubok at bumigay nang muli sa dating gawi.

Ang iba ay nahulog sa espirituwal na kawalan ng damdamin. Naniniwala sila na ang Diyos ay wala nang pakialam sa kanila. Sinabi nila sa kanilang mga sarili, “Israel, bakit ka ba nagrereklamo
na tila hindi pansin ni Yahweh ang kabalisahan mo, o hindi inalalayan sa kaapihang naranasan?” “Ngunit ang sabi ng mga taga-Jerusalem, "Pinabayaan na tayo ni Yahweh. Nakalimutan na niya tayo."

At ang iba ay nauwi pa ring nakatuon ang mga atensyon sa kabiguan, patuloy na inilalagay ang sarili nila sa estado ng kawalan ng pag-asa. Gayunpaman ang mga ito ay nagdulot sa kanila na ligaw, tumatangis, "Ezekiel, anak ng tao, sabihin mo sa mga Israelita ang inuulit-ulit nilang sila'y nagumon na sa kasamaan kaya hindi na sila mabubuhay. (Ezekiel 33:10)

Ang katotohanan ay, ang madama ang kawalan ng pag-asa ay hindi nangangahulugan na ng katapusan. Kapag tayo ay nahamak ng pag-sisisi at kalungkutan dahil sa ating mga kasalanan, hindi tayo dapat mamahinga sa ganoong damdamin. Ang mga ito ang magtutulak sa atin sa katapusan ng ating mga sarili—patungo sa tagumpay ng Krus ng Kalbaryo!