Lunes, Pebrero 8, 2010

HIGIT PA SA PENTEKOSTES

Si Juan bautismo ay hindi nakarating sa Pentekostes! Hindi siya nakakita ng hating dila ng apoy o kaya’y narinig ang malakas na rumaragasang hangin. Hindi niya nakita na ang Jerusalem ay nayanig at libumbon ay naligats. Ngunit sinabi ni Juan na ang kanyang kagalakan ay ganap na! nakarinig siya ng higit na mabuti kaysa sa rumaragasang hangin—higit pa sa magandang pahayag—higit pa sa boses ng masayang nobya. Narinig niya ang tinig ng Tagapagligtas.


Sa isang kasalan, ang babaing ikakasal ay para lamang sa lalaking ikakasal. Ang abay na naghihintay sa pagdating ng lalaking ikakasal ay lubos na nagagalak kapag narinig niya ang tinig nito. Gayundin naman, lubos na ang aking kagalakan ngayon” (Juan 3:29).


Natikman ni Juan ang pinakadakilang kagalakan ng isang tagasunod ni Jesus. Sinabi niya, “nakatayo akong hindi gumagalaw at narinig ko siyang nangusap sa akin. Ang tinig niya ay nagpatalon sa aking puso. Kinusap niya ako ng personal. Nakinig ako sa Panginoon ko at iyan ay aking kagalakan. Ang marinig ang kanyang tinig.”


Masasabi ni Juan, Oo, iniibig ko siya. Sumamba ako sa kanyang paanan at sinabi ko na hindi ako karapatdapat, ngunit ang kagalakan ko ay hindi ang aking sinabi sa kanya, ang kagalakan ko ay kung ano ang sinabi niya sa akin! Narinig ko ang kanyang tinig, at ako ay nagbunyi sa mistulang tunog lamang nito.”


Ang ilang tao ay nangangaral na ang Panginoon ay hindi na nakikipag-usap kundi sa pamamagitan lamang ng kanyang pahayag na Salita. Hindi sila makapaniwala na ang tao ay maaring gabayan at pagpalain sa pamamagitan ng munting tinig na iyon ngayon.


Sinabi ni Jesus, “Aking tupa alamin ang tinig ko; naririnig nila kapag tumawag ako…ang iba ay makaririnig…” sa mga panahong ito tayo ay takot sa lahat ng pang-aabuso, natatakot na tayo ay dadalhin sa pahayag na salungat sa Salita ng Diyos. Ngunit, ang lahat ng pang-aabuso ay hindi kamalian ng Diyos. Ang bawat huwad na pangitain.. maling hula, maling paggabay ay isang direktang resulta ng pagmamatas ng tao at pansariling kagustuhan. Inaabuso ng tao ang bawat handog ng Diyos. Gayunman, ang Diyos ay patuloy pa ring nangungusap doon sa mga nais na makarinig ng kanyang tinig.


Noong una, nangusap ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta…” (hebreo 1:1).

Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo,"Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos” (Hebreo 3:7)