Lunes, Marso 22, 2010

HINDI NA MAGIGING ALIPIN

Nasabi na si Abraham Lincoln ang “nagpalaya sa mga alipin” sa pamamagitan ng Pagpapahayag ng Pagpapalaya. Ang legal na papeles na ito ay nagpahayag na patay na ang pang-aalipin at ang lahat ng mga alipin ay pinalaya na.

Nang kumalat ang balitang ito sa buong pataniman sa katimugan, marami sa mga alipin ay hindi makapaniwala. Patuloy silang nagpapaalipin sa kanilang mga amo, naniniwala na ang pangako ng kalayaan ay isa lamang panlilinlang. Marami sa mga tiwaling nagmamay-ari ng mga lupa ay nagsabi na ang mga balitang ito ay usap-usapan lamang at patuloy silang inaalipin. Ngunit unti-unti. Ang katotohanan ay gumising sa kanila habang nakikita nila na ang mga kapwa nila mga alipin ay malaya ng naglalakad-lakad, masaya sa nakita nilang kalayaan. Isa-isa binitiwan nila ang mga buhat nila, tumalikod sa pagkaalipin at naglakad palayo para magsimula ng panibagong buhay.

Maaring hindi mo pa naririnig, o maaring lubhang hindi kapani-paniwala ang katotohanang ito, ngunit pinalaya na ni Cristo ang lahat ng alipin ng kasalanan sa Krus ng Kalbaryo. Maari ka nang lumakad palayo sa diyablo! Maari mo nang itapon ang buhat-buhat mong kasalanan, lumayo sa kapangyarihan ni Satanas at pumasok sa bagong buhay na may kalayaan.

Hayaan mong ipakita ko sa iyo ano ang ibig sabihin ng Bibliya kapag sinabi nito ang tungkol sa pagkamatay sa kasalanan. Nang pinalaya ni Lincoln ang mga alipin, ang “usapin” ng pagkaalipin ay namatay na. Hindi ang amo ng pagkaalipin—hindi ng alipin. Ang alipin ang maaring maglakad na nang malaya palayo, sinasabi sa sarili, “ang Pagkaalipin ay isa nang patay na usapin.”

Ngayon ang alipin ay maari nang bumalik sa lupang inaani para kumuha ng rolyo ng bulak—maaring sa pamamagitan ng takot o pakiramdam lamang—ngunit hindi iyon nangangahulugan na siya ay muling magpapaalipin. Siya ay malaya na, ngunit kailangan niyang danasin ang kanyang kalayaan. Ang pahayag ay hindi maaring mamuwersa ng pagsunod, maging ang kanilang mga amo ay pilitin silang bumalik bilang alipin. Ito ay usapin na ng kagustuhan ng mga alipin.
Sinabi ng Bibliya, “Sapagka't ang namatay ay ligtas na sa kasalanan. Datapuwa't kung tayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya” (Taga Roma 6:7-8).
Ganito lamang ang ibig sabihin nito: dahil sa ang usapin ng iyong pagkaalipin ay isa ng patay na usapin, nakikita na ipinahayag na ni Cristo ang kalayaan, ikay ay malaya na ngayon na mamuhay bilang isang bagong katauhan kay Cristo sa pagtanggap na ikaw ay kumalas na sa pagkakagapos.

Hindi maaring ipagawa ni Cristo sa iyo ang tama, at hindi maaring ipagawa sa iyo ni Satanas ang mali, ngunit kaliangang kumilos ka bilang isang malayang tao.