Ang katawang tao natin ay hindi parang kabibi lamang, at ang buhay ay hindi nakabalot sa kabibi lamang. Ang kabibi ay hindi para taguan, kundi isang pansamantalang taguan lamang ng patuloy na lumalaki, patuloy na gumugulang na puwersa ng buhay. Ang katawan ay isa ng kabibi na tumatayong tagapagbantay ng buhay sa loob. Ang kabibi ay isang imitasyon lamang kung ihahambing sa buhay na walang hanggan na binabalutan nito.
Ang bawat tunay na Kristiyano ay pinunan ng buhay na walang hanggan. Ito ay itinanim bilang isang binhi sa ating katawang tao at patuloy na gumugulang. Ito ay nasa loob natin na patuloy na lumalaki, patuloy na lumalawak na proseso ng pagsulong—at ito ay kinakailangang mabasag sa takdang panahon para bumuo ng isang bagong buhay. Ang maluwalhating buhay na ito ng Diyos ay nagbibigay diin sa kabibi, na kung sa sandali na dumating na ang muling pagkabuhay, ang kabibi ay mababasag. Ang imitasyong kinalalagyan ay mababasag, katulad ng isang bagong silang na sisiw, ang kaluluwa ay pinalaya na mula sa kulungan. Sambahin ang Panginoon!
Ang kamatayan ay isang mistulang pagbasag lamang ng kabibi. Sa itinakdang panahon ng pagpapasiya ng ating Panginoon ang ating kabibi ay nagampanan na ang gamit nito, kailangan ng iwanan ng mga tao ng Diyos ang matanda na at tiwaling katawan pabalik sa alabok mula sa pinanggalingan nito. Sino ang mag-iisip na pulutin ang pira-pirasong bahagi ng kabibing ito ang puwersahang ibalik ang sisiw pabalik sa pinanggalingan nito? At sino ang mag-iisip na hilingin sa mahal sa buhay na sumakabilang buhay na bitiwan ang bago at maluwalhating katawan—na ginawa sa imahe ni Cristo—at muling bumalik sa nabubulok na kabibi na kung saan siya ay nakalaya na?
Sinabi ni Pablo ito: “Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang” (Filipos 1:21). Ang ganitong uri ng usapan ay ganap na estranghero sa ating makabango, espirituwal na bokabularyo. Tayo ay naging mananamba ng buhay, wala halos tayong pagnanais na lumisan para makapiling ang Panginoon.
Sinabi ni Pablo, “Sapagka't ako'y nagigipit sa magkabila, akong may nasang umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti: Gayon ma'y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo” (Filipos 1:23-24). Gayunman, alang-alang sa pagbibigay halaga sa mga nagbago na, naisip niya na mabuti pang “manatili sa kabibi.” O sa kanyang paglalagay dito, “manindigan para sa laman.”
Si Pablo ba ay nalulungkot? Mayroon ba siyang hindi makatuwirang paniniwala tungkol sa kamatayan? Nagpakita ba si Pablo ng kawalan ng paggalang para sa pinagpalang buhay na ibinigay ng Diyos sa kanya? Hindi! Nabuhay si Pablo ng sapat. Para sa kanya, ang buhay ay isang handog, at ginamit niya ito ng mabuti nakipaglaban ng isang mabuting laban. Napaglabanan niya ang takot ng “kamandag ng kamatayan” at maari niya ngayong sabihin, ‘mas mabuti pang mamatay at makasama ang Panginoon kaysa manatili sa laman.”