Biyernes, Marso 12, 2010

ANG KAYAMANAN NG DIYOS SA SISIDLAN

Ang isa sa pinaka nakakapagapalakas loob na Kasulatan sa Bibliya ay 2 Corinto 4:7: “Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak—kung baga sa sisidlan ay palayok lamang—upang ipakilalang ang di malirip na kapangyarihan ay sa Diyos, at hindi amin.“ At pagkatapos ay nagpatuloy na isinalarawan ang mga sisidlan—ang mga malapit nang mamatay na kalalakihan, nagdurusa sa bawat sulok, naguguluhan, itinaboy. At kahit na hindi pinabayaan o nasa kawalan ng pag-asa, ang mga taong ito na ginamit ng diyos ay patuloy na nasa ilalim ng mga dalahin ng kanilang katawan, nangangambang mabihisan ng bago.

Tinutuya ng Diyos ang kapangyarihan ng tao. Pinagtatawanan niya ang ating may kahambugang pagsisikap na maging mabuti. Hindi niya ginagamit ang mataas at makapangyarihan ngunit, sa halip, ginagamit ang mga kahinaan ng mga bagay ng sanlibutang ito para guluhin ang mga marurunong.

“Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan nang kayo’y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyong paningin ng sanlibutan ay marunong, makapangyarihan at maharlika. Subalit pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas. Pinili niya ang mga itinuturing na hamak, walang halaga, at walang kabuluhan, sa sanlibutang ito upang pawalang-halaga ang mga itinuturing na dakila sa sanlibutan. Kaya’t walang maaring magmalaki sa harapan ng Diyos” (1 Corinto 1:26-29).

Iyan ba ay naglalarawan sa akin! Mahihinang bagay—walang-kabuluhang bagay-kinamumuhiang bagay—pinagmulang bagay—walang dignidad—walang kaayusan. Gayunman iyan ang kanyang walang bahid na plano—ang pinakadakilang hiwaga ng sanlibutan. Tinawag tayo ng Diyos sa ating kahinaan. Inilagay niya ang kanyang walang halagang kayamanan sa ating sisidlang ito sapagkat nagagalak siya na gawin ang mga imposible sa pamamagitan ng wala.

Nakita ko si Israel Narvaez ang pinuno ng Mau Mau gang, na lumuho at tinanggap si Cristo bilang Panginoon. Hindi ito isa lamang na may emosyong pang-ibabaw na karanasan lamang—tunay niyang ginawa ito. Ngunit si israael ay bumalik sa kanyang gang at nauwi sa kulungan, kasama sa kaso ng pagpatay. Ang Diyos ba ay iniwan na siya? Hindi ni isang minuto man lang. Ngayon si Israel ay isa nang ministro ng mabuting balita, tumanggap sa pag-ibig at kapatawaran ng matagal na nagdusang Tagapagligtas.

Nabigo ka na ba? Mayroon bang kasalanan na madaling magpaulit-ulit sa iyo. Nadarama mo bang katulad ka ng isang nanghihinang duwag, hindi makayamang magtagumpay laban sa lihim na kasalanan? Ngunit sa kahinaang iyan na nasa iyo, mayroon din bang gutom at pananabik sa Diyos? Nasasabik ka ba sa kanya—iniibig siya—nais abutin siya? Ang pagkagutom at pagka-uhaw ay susi sa iyong tagumpay. Iyan ang pinag-kaiba mo sa iba na nagkasala na biguin ang Diyos. Iyan ang nagbigay kaibahan sa iyo. Kailangan mong panatilihin ang pagkagutom na iyan na buhay. Patuloy na mauhaw sa katuwiran. Huwag mong bigyan ng katuwiran ang iyong kahinaan—huwag bibigay dito—at huwag tanggapin ito bilang bahagi ng iyong buhay.