Miyerkules, Marso 24, 2010

ANG KALAYAAN MULA SA PAGKAALIPIN NG KASALANAN AY KAILANGANG TANGGAPIN NG MAY PANANAMPALATAYA

Ang pananampalataya ay isang bagay na ginagawa mo ang alam mo. Ang kaalaman ay walang silbi kung hindi gagamitin.

Tinanggap ng mga anak ng Israel ang mabuting salita na ibinigay sa kanila ng Diyos ang Canaan bilang kanilang magiging tahanan. Ang balitang iyan ay maaring walang kwenta sa kanila kung sila ay mananatili sa Egipto bilang mga alipin. Ngunit sinabi ng Bibliya, “Sa pananampalataya'y iniwan niya ang Egipto… Sa pananampalataya'y nagsipagdaan sila sa gitna ng Dagat na Mapula” (Hebreo 11:27,29).

Ang mga Israelitas ay hindi nagmartsa sa hangganan ng Canaan, isang buhos ng mga pana at asahang ang lahat ng mga kalaban ay magkakamatay. Ang lupain ay kanila, ngunit kailangang makuha nila ito “isang patay na kawal sa bawat pagkilos.”

Ano ang kinalaman nito sa pagkamit ko ng tagumpay laban sa hawak ng kasalanan? Lahat! Naisaayos na ni Cristo ang usapin ng pagkaalipin sa kasalanan sa pamamagitan ng pagpapahayag na ikaw ay malaya na mula kapangyarihan nito, ngunit kailangang paniwalaan mo ito hanggang sa punto na kailangang kumilos ka.

Hindi sapat na sabihing , “Oo, naniniwala ako na pinatawad na ako ni Cristo. Naniniwala ako na siya ang Panginoon. Alam ko na kaya niyang baliin ang kapangyarihan ng kasalanan sa aking buhay.” Ikaw sa iyong isipan ay umaasa lamang sa iyong narinig , ngunit ang pananampalataya ay higit pa doon. Ang pananampalataya ay ang lumabas sa pangako ng kalayaan at kumilos tungkol dito.

Ang mga mananampalatay ay napaglabanan ang kapangyarihan ng kasamaan sa sanlibutang ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang tunay na pananamapalataya ay siyang natatanging bagay na makakatulong sa iyo na manindigan ng may pagtitiwala sa sarili laban sa kapangyarihan ng tukso. Ang pagpipigil sa sarili ay maari lamang kung, sa pamamagitan ng pananampalataya, ang katotohanan tungkol sa kalayaan ay tinatanggap. “Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat. Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya. “ (1 Juan 5:3-4).

“Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya: Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan. At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo. Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man. Siya nawa. ” (1 Pedro 5:8-11).