Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito kapag nanatiling hindi sinasagot ang mga panalangin? Kapag nagpatuloy ang kirot at kapag mukhang walang ginagawa ang Diyos bilang sagot sa ating pananampalataya? Madalas ay ganap ang pag-ibig sa atin ng Diyos sa ng panahong iyon ng higit pa sa dati. Sinabi ng Salita na, “Kinakastigo ng Diyos ang kanyang mga minamahal.” Ang pagmamahal na may pagkastigo ay nauuna sa lahat ng kilos ng pananampalataya, angat sa bawat panalangin, angat sa bawat pangako. Ang nakikita ko na nakasasakit sa akin ay maaring ang kanyang pag-ibig sa akin. Maaring ito ay ang kanyang banayad na kamay na pinapalo ako dahil sa katigasan ng aking ulo at pagmamataas.
Mayroon tayong pananalig sa ating pananampalataya. Binibigyan natin ng diin ang kapangyarihan ng ating mga panalangin ng higit pa na tanggapin ang kapangyarihan sa atin. Nais nating mauri ang Diyos ng sa gayon ay mabasa natin siyang parang isang aklat. Hindi natin gusto na masorpresa o maguluminahan at kapag ang mga bagay ay nangyari ng hindi ayon sa ating pagkakakilala sa Diyos, sinasabi natin, “Hindi iyon galing sa Diyos; hindi ganoon kumilos ang Diyos.”
Lubha tayong abala na kumilos sa Diyos, nalimutan na natin na kumikilos siya para sa atin. Iyan ang lahat tungkol sa buhay na ito: ang Diyos ang kumikilos sa atin, sinusubukan na gawin tayong sisidlan ng kaluwalhatian. Masyado tayong abala sa pananalangin para mabago ang mga bagay, wala na tayong panahon na hayaan ang panalangin na baguhin tayo. Hindi inilagay ng Diyos ang pananalangin sa ating mga kamay na para bang may dalawang kasangkapan na kung saan mayroong piniling grupo ng mga “dalubhasa” na marunong makialam sa kanya. Sinabi ng Diyos na mas nais niya ang magbigay kaysa sa tumanggap. Bakit natin ginagamit ang panalangin at pananampalataya bilang “susi” o kasangkapan para mabuksan ang isang bagay hindi naman nakasarado?
Ang panalangin ay hindi para sa kapakinabangan ng Diyos, kundi para sa atin. Ang pananampalataya ay hindi para sa kanyang kapakinabangan kundi para sa atin. Kung sasabihin ng Diyos, “Ang matalino ay makukuha ang gantimpala.”
Lubha nating inaalintana ang usapin ng pananalangin at pananampalataya; may kapangahasan pa tayo na isipin na ang Diyos ay ating “genie” na ibibigay ang lahat ng ating kahilingan. Iniisip natin na ang pananampalataya ay isang paraan para mapilitan ang Diyos sa kanyang mga pangako. Iniisip natin na ang Diyos ay nalulugod sa ating pagsusumikap na ilagay siya sa sulok at isigaw na “Panginoon hindi mo maaring baliin ang iyong mga pangako. Nais ko ang mga bagay na parating sa akin. Nakatali ka sa iyong mga Salita. Kailangan gawin mo ang mga ito kung hindi ay hindi totoo ang iyong mga Salita.”
Ito ang dahilan kuing bakit tayo nalalayo sa tunay na kahulugan ng panalangin at pananampalataya. Nakikita lamang natin ang Diyos bilang tagabigay at tayo ang taga-tanggap. Ngunit ang panalangin at pananampalataya ang paraan na kung saan ay tayo ang nagiging tagabigay sa Diyos. Kailangang magamit ito, hindi bilang paraan para tumanggap mula sa Diyos, kundi bilang paraan na maibigay sa kanya ang mga bagay na makalulugod sa kanya.