Lunes, Marso 15, 2010

HINDI MO KAYANG PASANIN ANG SARILI MONG KRUS

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga disipulo, “Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod sa akin” (Mateo 16:24). Gayunman, hindi kayang pasanin ni Jesus ang kaniyang krus at maging ikaw man.

Habang pinapasan ni Jesus ang kaniyang krus patungo sa Golgota, na pinangungunahan ng nagpaparusa sa kaniya, siya’y lubhang nanghihina at pagod na pagod para pasanin pa ito ng matagal. Nang marating na niya ang sukdulan ng kaniyang kakayahan, ang krus ay binuhat ng iba para sa kaniya. Hindi sinabi ng Bibliya sa atin gaano kalayo pinasan ni Jesus ang kaniyang krus ngunit alam natin na si Simon ay napilitang pasanin ito at dalhin ito sa lugar kung saan ipinako si Jesus (tingnan Mateo 27:32).

Ano ang ibig sabihin nito sa atin? Ipagagawa ba sa atin ng Panginoon ang isang bagay na hindi niya kayang gawin? Hindi ba sinabi niya, “…Ang sinumang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:27). Ang krus ay isang krus, maging ito man ay kahoy o espirituwal. Hindi sapat na sabihin, “Ang kaniyang krus ay naiiba—ang ating krus ay espirituwal.

Bilang pansarili, nagbibigay ito ng dakilang pag-asa na malamang hindi kayang pasanin ni Jesus ang sarili niyang krus. Nagpapalakas ito ng loob sa akin na malamang hindi ako lamang ang may dalahin sagad na at hindi na kayanin ng sariling lakas.

Alam ni Jesus ang kaniyang sinasabi nang tinawag niya tayo “Pasanin mo ang iyong krus at sumunod ka sa kaniya.” Naalala niya ang sarili niyang krus at may ibang papasan nito para sa kaniya. Bakit niya tayo papapasanin ng krus na alam niyang magpapabagsak sa atin? Alam niya ang lahat ng pagdurusa, ang kahinaan, at ang idinudulot ng pasanin. Alam niya na hindi natin kakayanin itong pasanin sa pamamagitan lamang ng sarili nating lakas.

Mayroon katotohanang nakatago dito na dapat nating matuklasan, isang katotohanang lubhang makapangyarihan, na makapagbabago sa ating pananaw sa lahat ng ating mga kaguluhan at pagdurusa. Maaring isa itong kalapastanganan na imungkahi kay Jesus na hindi pinasan ang sarili niyang krus, ngunit iyan ang katotohanan.

Alam ng Diyos na wala sinuman sa kaniyang mga anak ang may kakayahang pasanin ang kanilang krus kapag sumunod kay Cristo. Nais nating maging mabuting alagad sa pagtanggi sa ating sarili at pasanin ang sarili nating krus, ngunit mukhang nalilimutan natin ang katulad na krus din ang magdadala sa atin sa sukdulan ng kakayahan ng tao. Sadya kayang hihilingin sa atin ni Jesus na pasanin ang krus na alam niyang sisipsip ng lahat ng lakas ng tao at iwan tayong nanghihina, maging sa punto na hindi na natin kakayanin? Oo! Nagbabala si Jesus sa atin,”Kung hiwalay kayo sa akin hindi kayo makakagawa ng anuman” (Juan 15:5). Kayat hiniling niya sa atin na pasanin natin ang ating krus, paghirapan ito, hanggang sa matutunan natin ang liksiyon nito. Hindi natin matututunan ang liksiyong ito hanggang hindi tayo ibinabagsak nito na hindi sa pamamagitan ng sarili nating lakas, kapangyarihan at katatagan,kundi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan. Iyan ang ibig sabihin ng Bibliya sa atin na ang kaniyang lakas ay ginawang ganap sa ating kahinaan.