Miyerkules, Marso 3, 2010

ANG WALANG KATAPUSANG KAPATAWARAN NG DIYOS

Mahal na kaibigan, huwag mong limitahan ang pagpapatawad ng Diyos para sa iyo! Walang katapusan ang kanyang pagpapatawad. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo, “Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, 'Nagsisisi ako,' kailangang patawarin mo siya” (Lucas 17:4).

Makapaniniwala ka sa ganoon? Pitong ulit sa isang araw na ang taong ito ay sinadyang magkasala sa harapan ko mismo, at pagkatapos ay sasabihing “Patawarin mo ako.” At kailangang patawarin ko siya—ng patuloy. Gaano pa kaya ang ating Amang nasa langit na magpatawad sa kanyang mga anak na lumapit sa kanya na nagsisisi! Huwag tumigil sa pagbibigay ng katuwiran dito—at huwag itanong kung paano o bakit maluwag sa kanya ang magpatawad. Basta tanggapin ito!

Hindi sinabi ni Jesus, “Patawarin mo ang iyong kapatid ng minsan o dalawang ulit, at sabihin sa kanya na humayo na at huwag na muling magkasala. Sabihin sa kanya na kung gagawin pa niya ito, siya ay itatakwil na. Sabihin sa kanya na siya ay nagkakasala ng paulit-ulit. “Hindi! Si Jesus ay nagbibigay ng walang katapusan at walang kapalit sa pagpapatawad!

Kalikasan na sa Diyos ang magpatawad. Sinabi ni David, “Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili” (Mga Awit 86:5). Ang Diyos ay naghihintay ngayong mga sandaling ito na bahain ang buhay mo ng may kagalakan ng pagpapatawad. Kailangan mong buksan ang lahat ng pintuan at bintana ng iyong kaluluwa at hayaan na ang Espiritu na bahain ka ng pagpapatawad.

Si Juan, nangungusap bilang isang Kristiyano, ay sumulat na, “Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao” (1 Juan 2:2).

Ayon kay Juan, ang pakay ng bawat Kristiyano ay “huwag magkasala.” Nangangahulugan ito na ang Kristiyano ay nakatuon patungo sa kasalanan, sa halip, ay sumandal patungo sa Diyos. Ngunit ano ang mangyayari kapag ang nakasandal na anak na ito ay nagkasala?

Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo upang huwag kayong magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapagtanggol tayo sa Ama, si Jesu-Cristo, na isang matuwid” (1 Juan 2:1).

“Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid” (1 Juan 1:9)

Isuko mo ang iyong kasalanan, kaibigan. Hindi mo kailangan dalhin ang pabigat na iyan ng isang minuto pa. buksan mo ang mga pintuan at mga bintana ng iyong puso, at hayaang pumasok ang pag-ibig ng Diyos. Pinatatawad ka niya—paulit-ulit! Bibigyan ka niya ng kapangyarihan na makita ang iyong pagpapakahirap patungo sa tagumpay. Kung hihilingin mo—kung magsisisi ka—patatawarin ka! Tanggapin mo ito—ngayon na!