Martes, Marso 30, 2010

SINUSUBOK SI KRISTO

“Huwag ninyong susubukin ang Panginoon, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila, kaya sila’y pinuksa ng mga ahas” (1 Corinto 10:9).

Ano ang ibig ipakahulugan ni Pablo dito nang nagwika siya ng “sinusubok si Kristo”? Sa madaling sabi, ang panunukso kay Kristo ay paglalagay sa kanya sa pagsubok. Sinusubok natin siya kapag tinatanong natin siya ng, “Gaano magiging mahabagin ang Diyos sa akin kapag ipinagpatuloy ko ang kasalanan kong ito? Gaano ako maaaring manatili sa kasalanan ko bago magsiklab ang kanyang poot? Alam ko na ang Diyos ay mahabagin at ito ang panahon ng pagpapala, na walang paghuhusga sa mga makasalalanan. Paano niya ako mahuhusgahan kung ako ay anak niya?”

Maraming mga Kristiyano ay kaswal na nagtatanong ng katulad na katanungan ngayon, habang naglalaro sila sa makasalanang panunukso. Nais nilang makita kung gaano nila kalapit na mararating ang apoy ng impiyerno na hindi haharap sa kahihinatnan ng kasalanan.

Sa anumang sandali na tayo ay sumalungat sa katotohanan na maliwanag na ipinakita ng Espiritu ng Diyos sa atin, itinatapon natin ang babala ni Pablo: “Kaya nga mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya’y nakatayo, baka siya mabuwal…Huwag tayong makikiapid, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila, kaya’t 23,000 ang namatay sa isang araw” (1 Corinto 10:12, 8).

Tanungin ninyo ang inyong mga sarili kung inyong sinusubukan ang hangganan ng mahalagang handog ng pagpapala ng Diyos. Sinusubok ba ninyo si Kristo na nagpalayaw kayo sa inyong kasalanan sa mukha ng inyong ganap na paghihimagsik? Nahikayat ba ninyo ang inyong sarili, “Ako ay mananampalataya ng Bagong Tipan, ako ay nasa ilalim ng dugo ni Hesus. Kung gayon, hindi ako huhusgahan ng Diyos.”

Sa pagpapatuloy ninyo sa inyong kasalanan, ipinagpapalagay ninyo ang dakilang pagpapakasakit ni Hesus para sa inyo ng walang pakundangan. Inilalagay ninyo siya sa lantarang kahihiyan dahil sa inyong kasalukuyang sinasadyang kasalanan, hindi lamang sa mata ng sanlibutan, kundi sa lahat ng harapan ng langit at impiyerno (tingnan ang Hebreo 6:6).

Sa 1 Corinto 10:13 inilalarawan ni Pablo ang daanan ng tatakasan mula sa lahat ng pagsubok: “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin ng higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan ito.”

Ano itong kahulugan ng tatakasan? Ito ay patuloy na paglago ng kaalaman at karanasan sa banal na takot sa Diyos.