Miyerkules, Marso 10, 2010

ISANG TAGTUYOT

Nakapangaral na ako sa libu-libo, ngunit mayroong mga pagkakataong nadarama ko ang pagkatuyot—lubhang malayo sa presensiya ng diyos. Sa ganoong mga sandali, wala akong kasabikang magbasa ng Salita. Ang pagbabasa ng Bibliya, sa panahon ng pagkatuyo, ay nagagawa lamang dahil sa ito ay isang obligasyon. Kapag ako ay tuyot at hungkag, hindi ko nadarama ang diin na manalangin kahit na alam kong ang aking pananampalataya ay hindi nagkukulang, at ang pag-ibig ko kay Jesus ay matatag.

Nakaupo ka na ba sa simbahan at nakamasid sa paligid mo na ang lahat ay pinagpapala, habang ikaw ay walang nadarama? Nag-iiyakan sila; nananalangin sila; sumasamba sila ng taos puso. Ngunit hindi ka man lang nakadarama kahit ano. Nagsisimula kang mag-isip kung mayroong mali sa iyong espirituwal na pamumuhay.

Naniniwala ako na ang lahat ng tunay na mananampalataya ay nakakaranas ng pagkatuyot sa ilang bahagi ng kanilang buhay espirituwal. Maging si Jesus ay nadama ang pag-iisa—ng tumangis siya ng malakas, “Ama ko, bakit mo ako pinabayaan?’

Ano ang dapat kong gawin para mapaglabanan ang espirituwal na pagkatuyot?

1. Kailangang mapanatili ko ang buhay na mapanalanginin!

Walang makaaalis ng pagkatuyot at kahungkagan ng mabilisan kaysa isang oras o dalawa na kasama mo ang Diyos. Ang magpaliban sa iyong pakikipag-isa kasama ang Diyos sa Kanyang lihim na silid ay nagdudulot ng malaking kakulangan. Alam natin na ang ating pag-ibig sa kanya ay dapat magdala sa atin sa kanyang presensiya, masyado nating ginagawang abala ang ating sarili sa maraming ibang bagay—dumaraan ang sandal ng mabilis, at hindi binibigyang pansin ang Diyos. Ibinabato natin sa kanyang direksyon ang maraming “panalangin sa isipan lamang.” Ngunit walang makakapalit sa lugar ng lihim na silid—sarado ang pinto—nananalangin sa Ama ng nag-iisa.

Lumapit ng buong-loob sa trono ng kanyang grasya—kahit na ikaw ay nagkasala at nabigo. Mabilis siyang magpatawad—doon sa mga nagsisisi ng may makaDiyos na kalungkutan.

1. Hindi na ako dapat matakot sa maliliit na paghihirap.

Ang muling pagkabuhay ni Cristo ay sinundan ng maiksing pagdurusa. Tayo ay mamamatay! Tayo ay magdurusa! Mayroong kirot at kalungkutan.

Hindi natin nais na magdusa o manglaban o masaktan! Nais natin ng walang kirot na kaligtasan! Nais natin ng sobrenatural na pakikialam niya. “Gawin mo ito o Diyos,” dalangin namin, “sapagkat ako ay mahina at palaging mahina. Gawin mo lahat ito, habang ako patuloy sa aking gawain, habang naghihintay sa sobrenatural na pagliligtas!”

Ngunit, salamat o Diyos, ang pagdurusa ay palaging maiksing panahon lamang bago sa huling tagumpay. “Ang Diyos ng lahat ng biyaya, ang siyang tumawag sa inyo sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo Jesus. Pagkatapos ninyong maghirap ng maikling panahon, siya rin ang magpapaging-ganap, magpapalakas, magbibigay ng kakayanan at magpapatatag sa inyo” (1 Peter 5:10).