Huwebes, Marso 25, 2010

ANG SAMPUNG UTOS

Marami sa Amerika ang alam ay ang Pinakamataas na Hukuman ng Estados Unidos ay ipinag-utos na ang Sampung Utos ay hindi maaring ipaskil sa mga hukuman ng pamahalaan. Ang minarkahang pasiyang ito ay malawakang sinaklaw ng mga tagapamahayag. Ngunit ano ang ibig sabihin ng kautusang ito?

Sa hukuman ay kung saan ang batas ay ipinatutupad. Ang Sampung Utos ay kumakatawan sa marangal na batas ng Diyos, na hindi kailanman magagalaw o magbabago. Ito ay nakapirmi na katulad ng batas ng hulugbigat. Kung susuwayin mo ang batas na iyon, ito ay katulad ng pagdaplis ng pagtapak mo mula sa tuktok ng mataas na gusali. Maari mong itanggi na hindi ka naapektuhan ng batas, ngunit may mga kahihinatnan na tiyak na pagbabayaran mo.

Sa madaling sabi, ang Sampung Utos ay walang-hanggang batas na binalangkas ng Diyos upang maiiwas ang lipunan na wasakin ang sarili nito. Gayunman, ang nakakagulat ay, maraming mapagpasabog na kompanya ay kumikilos sa ngayon na gumigiling ng palayo sa mga Utos na yaon---pati na sa pangalan ng Diyos---kung saan man nakalilok sa pader ng mga hukuman.

Isang nakapanghihilakbot na larawan ng kalagayan ng ating lipunan. Ang mga di-mababagong batas na ito ay orihinal na inukit sa bato ng daliri ng Diyos. At ngayon ito ay binubura mula sa bato ng batas ng tao.

Ilang mga Kristiyano ay nagsasabi, “Ano ang mahalaga doon? Wala tayo sa ilalim ng batas. Bakit ito bibigyan ng pansin?” Hindi, wala tayo sa ilalim ng batas ng Hebreo, na may kahulugan ng 613 na idinagdag na mga utos ng gurong Hudyo. Ngunit ang bawat Kristiyano ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng marangal na batas ng Diyos, na pinagsama-sama sa Sampung Utos.

Nababaghan ako kung ano ang laman ng isip ng Diyos habang ang mga mapagwasak na lipunang ito ay binubura ang mga batas niya sa harapan natin. Inaangkin ng ilang mananampalataya, “Hindi natin kailangan ang pagpapakita ng mga Utos na ito. Ang mahalaga para sa atin ay maisulat ito sa ating mga puso” Hindi iyon ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Isaalang-alang ang nakikitang presensiya ng Utos na inilaan para sa mga Utos habang ito ay inilahad sa kanyang mga tao:

“Ang mga utos niya’y itanim ninyo sa inyong mga isip. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; sa loob at labas ng inyong tahanan, sa oras ng paggawa at pamamahinga, sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, isulat sa mga hamba ng inyong pinto at mga tarangkahan” (Deutoronomo 6:6-9).