Biyernes, Marso 19, 2010

ANG DIYOS AY MAY PANGMADALIANG PLANO PARA SA BAWAT MANANAMPALATAYA

Gaano pa man maging kagulo ang sanlibutan, ang mga tao ng Diyos ay maaring magpahinga at panatilihin ang kagalakan na dumadaloy, sapagkat ang ating Panginoon ay nangako ng isang espesyal na pagtatanggol kapag ito ay kinailangan.

Hindi ba’t ang Diyos ay may pangmadaiang plano para sa mga anak ng Israel sa panahon ng pangsalibutang tagtuyot? Pinauna niya si Jose sa Egipto, itinalaga siya bilang Pinuno at pinuno ang bodega ng sapat na binhi na sasapat sa panahon ng tagtuyot. At pagkatapos ay inilipat niya ang kaniyang mga tao malapit dito at pinakain sila ng busog sa buong panahon ng tagtuyot.

Hind ba’t may pangmadaliang plano ang Diyos para kay Elijah? Habang ang kanyang bansa ay gumugulong na sa tindi ng pagbagsak ng ekonomiya at ang pagkain ay mauubos na dahilan sa tagtuyot—isang makasalanang hari ay naglagay ng putong sa kanyang ulo—isinagawa ng Diyos ang kaniyang pangmadaliang plano para kay Elijah. Itinago siya sa isang tahimik na lugar at pinakain siya sa pamamagitan ng pagdadala ng pagkain sa kanya ng ibon. Ang plano para makaligtas siya ay may kasamang isang mahiwagang bariles ng binhi na hindi nauubos.

Paano naman si Noah? Isang napaka detalyadong plano ng pagliligtas ang isinagawa ng Diyos para sa kanya at kaniyang pamilya. Isang Arko—pinalutang siya at ang kaniyang pamilya ng ligtas sa kamatayan at pagkapuksa ng pangsalibutang baha.

At si Lot? Sadyang nagpadala ng anghel ang Diyos para hilahin siya at kaniyang mga anak palabas sa isinumpang siyudad ng Sodom. Nakatali ang kamay ng Diyos hanggang sa maging ligtas si Lot palabas ng siyudad. Higit pa ito sa pagkawala ng kaniyang trabaho, higit pa sa pagbagsak ng ekonomiya, higit pa sa pagbagsak ng pamahalaan—ito ay ganap na pagpuksa ng kanyang lipunang ginagalawan. Ngunit si Lot ay nailigtas.

Pinatunayan ni Pablo ang pangmadaliang plano ng Diyos ng paulit-ulit. Ang apostol na ito ay bagsak na, tinutugis ng mga magnanakaw, ikinulong, inakusahan ng kataksilan at binalak na ipapatay, gayunman sa bawat krisis ang Diyos ay may nakahandang pamamaraan ng kaligtasan. Hanggang sa malaman ng Diyos na ang kaniyang lahi ay mawawala na, saka niya inilabas ang huli niyang nakahandang plano, tinawag siya para sa kanyang muling pagkabuhay.

Tayo man ay mayroon ding pangmadaliang plano ng kaligtasan—sadyang inihanda para sa bawat mananampalataya.

Huwag nang magkaroon ng pagdududa at pagtatanong tungkol dito—ang Diyos ay ililigtas tayo sa bawat krisis!