Lunes, Marso 29, 2010

TAYO MAN AY PABALIK SA LUPA

Napansin mo ba na sa panahong ito ay halos hindi napag-uusapan ang tungkol sa langit at tungkol sa paglisan dito sa sanlibutang ito? Sa halip, tayo ay binobomba ng mga mensahe ng kung paano gagamitin ang ating pananampalataya para maparami pa ang ating mga ari-arian. “Ang susunod na muling pagbabangon,” sabi ng isang kinikilalang guro, “ay isang muling pagbangon ng pananalapi. Ang Diyos ay magbubuhos ng pagpapalang pinansyal sa lahat ng mga mananampalataya.”

Ang anumang mensahe tungkol sa kamatayan ay nakagugulo sa atin. Pilit nating binabalewala ang mga isipin tungkol dito at iniisip na yaong mga nag-uusap tungkol dito ay mga kakila-kilabot. Paminsan-minsan pinag-uusapan natin ano ba ang hitsura ng langit, ngunit kadalasan ang usapin tungkol sa kamatayan ay ipinag-babawal.

Isang minamaliit na usapin ng walang-hanggang layunin ng Diyos! Hindi kataka-taka maraming Kristiyano ay takot na isipin ang tungkol sa kamatayan. Ang katotohanan ay, malayo tayo sa pagkakaunawa sa panawagan ni Cristo na iwaksi ang sanlibutan at ang lahat ng nakabalot dito. Tinawag niya tayo na lumapit at mamatay—at mamatay ng hindi nagtatatag ng alaala para sa sarili natin. Ang mamatay ng hindi inaalala kung paano maalala ng iba. Walang iniwan na isinulat na pansariling kabuhayan—walang masalimuot na himpilan—walang unibersidad o kolehiyo ng Bibliya. Wala siyang iniwan para pamaligiin ang kanyang alaala kundi ang tinapay at alak.

Ano ang kaibahan ng mga naunang Kristiyano. Madalas ipahayag ni Pablo ang tungkol sa kamatayan. Sa katunayan, ang ating pagmumuling buhay mula sa kamatayan ay ibinatay sa Bagong Tipan bilang isang banal na pag-asa. Ngunit sa mga panahong ito, ang kamatayan ay ipinapalagay na bilang isang nanghihimasok na inihihiwalay tayo mula sa mabuting pamumuhay na nakasanayan na natin. Lubha nating ginulo ang ating buhay sa pamamagitan ng mga materyal na bagay, tayo ay bumagsak na. hindi na natin makayanang dalhin ang isipin na iiwan na natin ang ating magagandang bahay, ang mga magagandang bagay, ang ating mga magandang minamahal. Ang iniisip na lang natin ay, “Ang mamatay ngayon ay isang malaking kawalan. Iniibig ko ang Panginoon—ngunit kailangan ko pa ng panahon para makapagpasasa sa aking mga ari-arian. Pinakasalan ko ang aking asawa. Kailangan ko pang patunayan ang aking kakayahan. Kailangan ko pa ng panahon.”

Ano ang pinakadakilang pagpapahayag ng ating pananampalataya, at paano ito magagamit? Matatagpuan mo ito sa Hebreo: “Ang lahat ng mga taong ito ay namuhay ayon sa pananampalataya hanggang sa mamatay... at inamin nila na sila ay mga dayuhan at mga pansamantalang nanunuluyan sa lupa… Ngunit ngayon, hinangad nila ang higit na mabuting bayan na maka-langit, kaya nga, hindi ikinakahiya ng Diyos na tawagin nila siyang Diyos. Siya ay naghanda ng isang lungsod para sa kanila” (Hebreo 11:13 at 16).