Hindi minsan man sinabi ng Panginoon, “Yumuko at hayaan mong ipasan ko sa iyo ang krus.” Wala si Jesus sa trabaho ng pagguhit, ang kaniyang hukbo ay boluntaryo lahat. Hindi lahat ng Kristiyano ay nagpapasan ng krus. Maari kang maging isang mananamapalataya kahit na hindi ka nagpapasan ng krus, ngunit hindi ka maaring maging isang alagad.
Nakita ko ang maraming mananampalataya na tinanggihan ang daan patungo sa krus. Pinili nila ang magandang buhay na may karangyaan, pagdami ng ari-arian, popularidad at tagumpay. Naniniwala ako na marami sa kanila ay makararating sa langit—maililigtas nila ang kanilang mga sarili—ngunit hindi nila makikilala si Cristo. Sa pagtanggi sa pagdurusa at kalungkutan ng krus, wala silang magiging kakayahang makilala at malugod sa kaniya sa walang-hanggan, na katulad ng lahat ng banal na nagpapasan ng krus na pumasok sa pakikipag-isa sa pagdurusa.
Kailangang pasanin mo ang krus hanggang matutunang mong tumanggi. Tumangi sa ano? Ang isang bagay na madalas na hadlang sa pagkilos ng Diyos sa ating buhay—ang ating sarili. Sinabi ni Jesus, “Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod sa akin” (Mateo 16:24). Tayo man ay nagkamali ng paliwanag sa mensaheng ito kapag itinuon natin sa pagtanggi sa sarili, iyan ay, ang pagtanggi sa mga material o labag sa batas na mga bagay. Hindi tayo tinawag ni Jesus para matutunan ang pagdisiplina sa sarili bago natin pasanin ang sariling krus. Higit pa itong matindi kaysa dito. Hinihiling ni Jesus na itanggi natin ang ating sarili. Ang ibig sabihin nito ay itanggi ang sariling kakayahan na pasanin anumang krus sa sarili nating lakas. Sa madaling sabi, “huwag pasanin ang sariling krus hanggang hindi ka handa na iwaksi ang bawat isiping maging banal na alagad bilang kalalabasan ng sarili mong pagsisikap.”
Miyun-milyong nagsasabing Kristiyano sila ay ipinagmamalaki ang pagtanggi sa sarili nila. Hindi sila umiinom ng alak, naninigarilyo, nagmumura o nangbabae—sila ay halimbawa ng matinding pagdisiplina sa sarili. Ngunit hindi sa daang taon ay aaminin nilang na ito ay nagawa nila maliban sa hindi nila sariling kakayahan. Ginagawa nila ang pagtanggi, ngunit hindi nila itinanggi ang sarili nila kailanman. Sa isang banda, ganoon din tayo. Nadaranasan natin ang “pagsulpot” ng kabanalan, kasama ang damdamin ng kadalisayan. Ang mabuting gawa ay kadalasang nagdudulot ng mabuting pakiramdam, ngunit hindi tayo hahayaan ng Diyos na isipin natin na ang mabuting gawa natin at kaugalian ay makapagliligtas sa atin. Iyan ang dahilan kung bakit kailangan natin ang krus.
Nainiwala ako na sadyang sinasabi ni Jesus sa atin, “Bago mo pasanin ang iyong krus, kailangang maging handa kang harapin ang sandali ng katotohanan, ang sarili momg kakayahan, ang sarili mong pamumuno. Maari kang tumindig at sumunod sa akin bilang isang tunay na alagad kung kaya mo nang tanggapin ng maluwag na wala kang magagawa sa pamamagitan ng sarili mong kakayahan—hindi mo kayang paglabanan ang kasalanan sa sarili momg kakayanan—ang iyong mga tukso ay hindi mapaglalabanan sa pamamagitan ng sariling pagsisikap lamang—hindi mo kayang ayusin ang anumang bagay sa sarili mong talino lamang.
Ang pag-ibig mo kay Jesus ay makapagpapaluhod sa iyo ngunit ang iyong krus ay ilalagak sa sarili mong mukha.