Huwebes, Marso 18, 2010

PAGSUNOD SA KABANALAN

Sinasabi ng Salita ng Diyos sa atin sa di-tiyak na kasunduan: “Magpakabanal kayo at sikaping makasundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay ng ganito” (Hebreo 12:14).

Narito ang katotohanan, malinaw at simple lang. Kung walang kabanalan na itinuro si Kristo lamang---isang mahalagang handog na ating pinararangalan sa pamamagitan ng pamumuhay na matapat sa pagsunod sa bawat Salita niya---wala isa man sa atin ang makakakita sa Panginoon. At ito ay tumutukoy hindi lamang sa langit, kundi sa atin ding pangkasalukuyang pamumuhay. Kung walang kabanalan, hindi natin makikita ang presensiya ng Diyos sa ating pang-araw-araw na paglalakad, sa ating pamilya, sa ating mga pakikipagrelasyon, sa ating patotoo o sa ating ministeryo.

Hindi mahalaga kung gaano karami ang mga Kristiyanong pagpupulong ang ating dinaluhan, gaano karaming pangangaral ang ating napakinggan, gaano karaming pag-aaral ng Bibliya na ating sinamahan. Kung tayo ay may kinukupkop na malala ng kasalanan, kung ang Panginoon ay may alitan sa atin dahil sa ating kasalanan, kung ganon ay wala kahit anong paghihirap natin ang magbubunga ng makadiyos na bunga. Sa halip, ang ating kasalanan ay lalo lamang lalala at makahahawa sa mga nakapaligid sa atin.

Sa katunayan, ang paksang ito ay higit pa sa lahat ng pagnanasa, maging sa katiwalian ng espiritu din. Inilarawan ni Pablo ang katulad na nakawawasak na kasalanan sa talatang ito nang sinabi niya, “Huwag din tayong magreklamo, tulad ng ilan sa kanila, kaya sila’y nilipol ng “Anghel na Mamumuksa” (1 Corinto 10:10).

Kaya, minamahal na banal, papayagan mo ba ang Banal na Espritu na harapin niya ang lahat ng pagnanasa na maari mong kinukupkop? At sa halip ba ay hahanapin mo at pagtitiwalaan ang pagtakas na ibinigay niya para sa iyo? Hinihimok kita na maglinang ng banal na takot at manalig sa mga huling araw na ito. Pananatilihin ka nitong dalisay, gaano pa man umigting ang kasalanan sa kapaligiran mo. At itutulot nito na maglakad ka sa kabanalan ng Diyos, na siyang humahawak ng kanyang nanatiling presensiya.

Ang lahat ng ito ay ang kahalagahan ng pananampalataya. Ipinangako ni Kristo na hindi ka niya hahayaang bumagsak, at bibigyan ka niya ng kapangyarihan na umiwas sa kasalanan---kung ikaw lamang ay mananalig sa kanyang sinabi. Kaya, manalig ka sa makadiyos na takot na ito. Ipanalangin mo ito at magiliw na tanggapin. Panghahawakan ng Diyos ang Salita niya sa iyo. Hindi ka makatatakas sa kapit-kamatayan ng batbat na kasalanan sa pamamagitan ng sariling-sikap, sa pamamagitan ng mga pangako, o sa anumang pantaong kakayahan lamang. “Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas o kapangyarihan kundi sa aking tulong lamang” (Zacarias 4:6).