Miyerkules, Hulyo 2, 2008

IPINAGKATIWALA SA PANGANGALAGA NG DIYOS

Sinabi ni Hesus, “…Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat…Ang mga tao ay hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagkat mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan” (Lucas 21:25-26). Nagbabala si Kristo sa atin, “Kapag nawalan ng pag-asa sa akin, maraming mga tao ay tiyak na mamamatay sa takot!”

Para sa mga taga-sunod ni Hesus, gayunman, yaong mga nananalig sa mga pangako ng Diyos na pangangalagaan niya ang kanyang mga anak, ay may maluwalhating kalayaan mula sa anumang katatakutan. Ang katunayan, ang lahat ng kumakapit sa kapangyarihan ni Kristo ay hindi na kailangan matakot kailanman, kung panghahawakan lamang nila ang sumusunod na lihim: Ang tunay na kalayaan sa takot ay yaong lubos na isinuko ang buhay sa mga kamay ng Panginoon.

Ang pagsuko ng ating mga sarili sa pangangalaga ng Diyos ay isang akto ng pananalig. Ito ay nangangahulugan ng lubusang paglalagay ng ating mga sarili sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, kaalaman at kahabagan, na iginagabay at pinangangalagaan ayon sa kanyang kalooban lamang. Kapag ginawa natin ito, ang Diyos ng sansinukuban ay nangangako na siya ang bahala sa atin, para pakainin tayo, damitan at kupkupin tayo, at mabantayan ang mga puso natin mula sa lahat ng masama.

Si Hesus ay nagbigay ng ultimong halimbawa ng ganitong uri ng banal na pagsuko nang siya ay ipinako sa krus. Noong bago pa niya isinuko ang kanyang Espiritu, sumigaw siya ng malakas “…Ama, sa mga kamay mo’y ipinagtatagubilin ko ang aking Espiritu!” (Lucas 23:46).

Ganap na inilagay ni Kristo ang pagkupkop sa kanyang buhay at walang-hanggang kinabukasan sa pangangalaga ng Ama. At sa paggawa nito, inilagay niya ang mga kaluluwa ng kanyang mga taga-sunod sa mga kamay ng Ama.

Maaring magtaka ka, “Walang makakakuha nito sa akin; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at kunin uli” (Tingnan ang Juan 10:18). Kung mayroon siyang kapangyarihang “kunin muli ang kanyang buhay,” bakit niya isinuko sa mga kamay ng Diyos upang pangalagaan ito? Ang kasagutan ay hayagan: Ginawa ito ni Hesus upang magpakita ng halimbawa para sa lahat ng kanyang mga taga-sunod upang ito’y tularan!

Kapag hiniling sa atin na ipagkatiwala ang ating mga buhay sa isang tao, kung gayon ay malaman natin na ang Taong ito ay may kapangyarihan na mapag-ingatan tayo sa lahat ng panganib, pananakot at karahasan. Isinulat ni Pablo, “…Gayunma’y hindi ko ikinahihiya ang mga nangyayaring ito sa akin, sapagkat lubos kong nakikilala ang aking pananaligan at natitiyak kong maiingatan niya hangganag sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya” (2Timoteo 1:12).