Madalas ginagamit ng Diyos ang anghel upang mangaral sa ibang tao. Ngunit madalas, ginagamit niya ang kanyang mapagkalingang mga tao upang mamahagi ng mga pagpapala. Ito ang isang dahilan kaya tayo’y ginawang kalahok ng kanyang mga biyaya: upang maging agusan nito. Tayo ay ginawang agusan nito para sa iba. Tinawag ko itong “pagpapala ng tao.”
“Ang bawat isa sa ati’y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Kristo” (Efeso 4:7). Dahil sa kaaliwang ibinigay sa atin sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, imposible para sa atin ang magpatuloy na naghihinagpis sa ating buong buhay. Sa ibang punto, tayo ay pinagaling ng Panginoon at nagsimula tayong maging taguan ng biyaya ng Diyos.
Naniniwala ako na ito ang ibig ipakahulugan ni Pablo nang isinulat niya ang, “Sa kagandahang-loob ng Diyos, ako’y ginawa niyang lingkod para sa Mabuting Balita sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan…ipahayag sa mga Hentil ang Mabuting Balita tungkol sa masagana at di-malirip na pagpapalang nagbubuhat kay Kristo” (Efeso 3:7-8). “Naging kahati ko kayo sa mga pagpapala ng Diyos” (Filipos 1:7). Ang apostol ay nagsasabi ng malalim na pahayag. Sinasabi niya, “Kapag ako ay nagpunta sa trono ng Diyos upang magtamo ng pagpapala, ito para sa iyo. Nais kong maging mahabaging pastol para sa iyo, hindi isang mapaghusga. Nais kong makapamahagi ng pagpapala sa iyo sa sandali ng iyong pangangailangan.” Ang pagpapala ng Diyos ay ginawa si Pablo na maging mahabaging pastol, na maaring tumangis kasama ng mga nalulungkot.
Isinulat ni Pedro, “Bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang katangiang tinanggap ng bawat isa” (1 Pedro 4:10). Ano ang ibig sabihin ng mabuting tagapamahala, o tagapamahagi, ng marami’t ibat-ibang pagpapala ng Diyos? Ako ba’y ganitong uri ng tao? O ako ba’y nagbibigay lamang ng panahon na manalangin lamang para sa pansariling kirot, kalungkutan at mga paghihirap?
Mga minamahal, ang ating mga pangkasalukyang mga paghihirap ay nagbubunga ng mahalagang bagay sa ating mga buhay. Nagbubuo ito sa atin ng pagtangis sa handog ng kahabagan at pagpapala, upang maialok doon sa mga nasasaktan. Ang ating mga paghihirap ay ginagawa tayong maging tagapamahagi ng pagpapala.