Hindi lamang iniibig ng Diyos ang kanyang mga tao kundi nagagalak siya sa bawat isa sa atin. Siya ay lubos na nalulugod sa atin. Ang katunayan ay pinagpapala siya sa pagkupkop at pagliligtas sa atin.
Nakita ko ang ganitong kagalakan bilang magulang sa aking maybahay, na si Gwen, kapag isa sa aming mga apo ang tumatawag. Si Gwen ay nagliliwanag na parang isang makislap na puno ng kapaskuhan kapag isa sa aming mga maliliit na apo ay tumatawag sa telepono. Walang sinuman ang makapagpapaalis sa kanya sa telepono. Kahit na sabihin kong ang pangulo ng bansa ay nasa aming pintuan, basta paaalisin ka niya at patuloy sa pakikipag-usap.
Paano ko pagbibintangan ang aking Amang nasa langit na nalulugod sa akin na di-gaano katulad sa aking mga supling. May panahon na ang aking mga anak ay binigo ako, gumagawa ng mga bagay na salungat sa mga itinuturo ko sa kanila. Ngunit minsan man ay hindi ako huminto sa aking pagmamahal o ang malugod sa kanila. Kaya, kung mayroon ako ng ganitong uri na nananatili at matatag na pag-ibig bilang isang di-perpektong ama, gaano pa kaya ang ating Amang nasa langit para sa ating mga anak niya?
Si Josua at Caleb ay tumayo sa gitna ng Israel at dumaing, “Kung loloobin ni Yahweh, ibibigay niya sa atin ang lupang iyon” (Mga Bilang 14:8). Napakasimple ngunit makapangyarihang pagpapahayag. Sinasabi nila, “Ang ating Panginoon ay iniibig tayo at nalulugod sa atin. Kanyang pupuksain ang bawat higante, sapagkat nalulugod siya na gawin ito para sa atin. Kung ganon, hindi tayo dapat tumingin sa mga nakahadlang sa atin. Kailangang patuloy tayong nakatingin sa dakilang pag-ibig ng Panginoon sa atin.”
Sa kabuuan ng Kasulatan nabasa natin na ang Panginoon ay nalulugod sa atin: “Ang lakad ng matuwid sa Panginoon ay kasiyahan” (Kawikaan 11:20). “Sa daing ng matuwid siya ay natutuwa” (15:8). “Iniligtas ako sa kapangyarihan ng mga kaaway na di ko malabanan. Sumalakay sila nang ako’y bagabag, ngunit si Yahweh ang sa ki’y nag-iingat. Nang nasa panganib ako’y tinutulungan, iniligtas ako pagkat kinalugdan!” (Awit 18:17-19
Ito ay sapilitan na dapat na tayo ay manalig na iniibig tayo ng Diyos at siya ay nalulugod sa atin. Kung gayo’y matatanggap natin na ang lahat na nangyayari sa ating mga buhay na darating din ang panahon na mapatutunayan na ito ang mapagmahal na kalooban niya sa atin. Makakaahon din tayo sa ating mga ilang na nakasandal sa mapagmahal na bisig ni Hesus. At magdadala siya ng kagalakan sa ating kapighatian.