Ilang mga ministro ay sumulat sa akin na nagpapahayag ng kanilang pag-aalala sa mga taga parokya na sumusuko na. “Mga mabubuting tapat na Kristiyano ay napangingibabawan ng panunumbat at pagkondena na nagbubunga ng kawalan ng pag-asa. Kapag hindi nila napatunayan ang inaasahan sa kanilang sarili, kapag nahulog sa pagkakasala, nagpasiya na sumuko na…”
Dumadaming bilang ng mga Kristiyano ay nasa punto na ng pagbagsak. Kaunting Kristiyano ay hindi mag-iisip na bigyang pansin ang isipin na huminto na sa kanilang pag-ibig kay Jesus, ngunit sa kawalan ng pag-asa iniisip nila na sumuko na.
Ilang mga ministro sa ngayon ay patuloy na nangangaral ng mga positibong bagay lamang. Na marinig silang nagsasabi sa kanila, na ang bawat Kristiyano ay nakatatanggap ng mga himala, na ang lahat ay tumatanggap ng madaliang sagot sa kanilang mga dalangin; ang bawat isa ay mabuti ang pakiramdam, namumuhay ng maayos, at ang buong sanlibutan ay maliwanag at mabulaklak. Gusto kong marinig ang ganoong uri ng pangangaral sapagkat hangad ko ang lahat ng ganoong mabuti at malusog na bagay para sa tao ng Diyos. Ngunit hindi ganoon ang nangyayari sa maraming bilang ng mga matatapat at sinserong Kristiyano.
Hindi kataka-taka na ang mga kabataan ay sumusuko sa pagkatalo. Hindi sila makapamuhay sa imahe, na nilikha ng relihiyon, na walang-alalahanin, mayaman, matagumpay, laging may paositibong pag-iisip na mga Kristiyano. Ang kanilang mga salita ay hindi ideal; namumuhay silang bigo ang puso, oras-oras na kagipitan, at pampamilyang mga suliranin.
Nagpahayag si Pablo tungkol sa kapighatian: “…mga kapighatian na dinanas namin…napakabigat ng aming dinanas, anupat nawalan na kami ng pag-asang mabuhay pa” (2 Corinto 1:8).
Ang positibong pag-iisip ay hindi makapag-aalis ng mga suliraning ito at “ikukumpisal” na ang mga suliraning ito ay hindi talaga nangyayari ay hindi makapagbabago sa isang bagay. Ano ang makalulutas? Mayroong dalawang ganap na nagdala sa akin ng dakilang kaaliwan at tulong.
- Iniibig ako ng Diyos. Siya ay mapagmahal na Ama na gusto lamang na maiangat tayo palabas sa ating mga kahinaan.
- Ang aking pananampalataya ang nakalulugod sa kanya ng labis. Nais niya na magtiwala ako sa kanya.