Nang manirahan ang Panginoon sa atin, dala niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan at mapagkukunan. Kaginsa-ginsay, ang ating kaibuturang sarili ay nagkaroon ng daan sa kalakasan, kaalaman, katotohanan, kapayapaan ng Diyos, lahat ng ating kailangan para mamuhay sa tagumpay. Hindi na natin kailangang tumangis sa kanya para bumaba siya mula sa langit. Siya’y nasa atin na. Sinasabi ni Pablo kung gaano tayo kalakas kay Kristo.
“Dahil dito ako’y naninikluhod sa Ama…hinihiling ko, ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan, na palakasin niya ang inyong buhay espirituwal sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Nawa’y manahan si Kristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya upang sa inyong pag-uugat at pagiging matatag sa pag-ibig, maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang , kung gaano kadakila ang pag-ibig ni Kristo. At nawa’y makilala ninyo ang di matingkalang pag-ibig na ito upang mapuspos kayo ng kapuspusan ng Diyos. Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin” (Efeso 3:14-20).
Isang kamangha-manghang talata. Itinala ni Pablo ng ilang mga kayamanan na inihanda ng Panginoon para sa atin. Katunayan, ang lahat ng kayamanan kay Kristo-Hesus ay inihanda para sa atin.
Mayroong mga Kristiyano na lumikha ng larawan ng makasariling Diyos na ang tanging kagalakan ay ang tumanggap ng papuri. Huwag sanang sabihin iyan tungkol sa ating Panginoon sapagkat hindi yan ang dahilan kung bakit siya nanirahan sa atin. Dumating siya sa atin at ipinakita na siya ay Diyos na hindi malayo sa atin. Ipinaalam ng Panginoon sa atin na siya ay wala sa madilim na bahagi ng sansinukuban. Siya ay nasa atin lamang. Hindi siya pumapasok o lumalabas sa ating buhay basta ginusto niya. Hindi, hindi niya iniwan ang kanyang tahanan sa atin.
Itinala ni Pablo, “Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Kristo-Hesus, kayong dating nasa malayo ay nailapit sa pamamagitan ng kanyang kamatayan” (Efeso 2:13). Lubos na niliwanag ng apostol: ang Diyos ay nandito ngayon, naninirahan sa atin. Nang nanirahan ang Ama sa ating templo, dinala niya sa atin ang kalakasan sa ating kalooban, may malalim na pag-uugat at nakatanim sa pag-ibig, pati na daan na humiling sa kanya ng lahat ng bagay. Ginawa niyang maari ang lahat, sa pamamagitan ng kanyang banal na kapangyarihan na kumikilos sa atin (tingnan Efeso 3:16-21).