Pagkatapos umakyat si Hesus sa langit, si Apostol Pablo ay nakatanggap ng isang nakamamanghang pangitain ng kaluwalhatian. Sinabi niya, ”Napansin ko na walang templo sa lunsod sapagkat ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang Kordero ang pinaka templo roon…ang kaningningan ng Diyos ang nagbibigay liwanag doon, at ang Kordero ang siyang ilawan” (Pahayag 21:22-23).
Ngayon na ang templo ng Diyos ay nasa kaluwalhatian, na naka upo sa kanang kamay, saan naninirahan ang Diyos sa sanlibutan? Sa pagtatanong ng Diyos mismo, “Anong tahanan ang itatayo mo para sa akin? Saan ang lugar ng aking pahingahan?” Alam natin na walang gusali ang maaring tirahan ng Diyos. Wala siya sa Katedral sa Vatican. O kaya ay sa Katedral sa St. Patrick sa lunsod ng Nuweba York. At wala siya sa anumang kinikilalang katedral sa Europa. Hindi, habang ipinahayag ni Pablo sa burol ng Mars sa Athens, “Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng naroroon ang siyang Panginoon ng langit at lupa, kaya hindi siya tumatahan sa mga templong ginawa ng tao” (Gawa 17:24). Sa madaling sabi, kapag hinanap natin ang pinananahanan ng Diyos sa mga gusali, hindi natin makikita ito.
Natagpuan ng Panginoon ang pananahanan niya---naninirahan siya sa mga katawan ng nilikha niyang sangkatauhan. Ipinahayag ni Pablo na ang templo ng Diyos ngayon ay nasa mga katawang tao: “Hindi ba ninyo alam na kayo’y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?” (1 Corinto 3:16).
Kapag inilagay natin ang ating pananalig kay Hesus, tayo’y nagiging templo, na siyang tanging pinananahanan ng Diyos. Ito ay isinalarawan sa higit na nakikita na Nakatataas na Silid. Ang Banal na Espiritu ay nahulog sa disipulo doon, at pinuno niya sila ng kanyang sarili. At inangkin niya ang kanilang mga sinantipikahan na mga katawan bilang templo ng Diyos, na kung saan ang Ama ay darating at mamumuhay. Ang tutulungan sila ng Espiritu na hiyain at wasakin ang mga gawain ng kanilang mga makasalanang laman. At bibigyan niya sila ng kapangyarihan na mamuhay na tagumpay. Ang kanilang katawan ay naging templo ng Diyos, tahanan na hindi gawa sa mga kamay.
Sinabi ni Hesus, “Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at mananahan sa kanya” (Juan 14:23). Ang tuluyan ay isang tahanan, isang lugar na pananatilihan.
Sinabi ni Pablo, “Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang parangalan ang Diyos” (1 Corinto 6:20). Sa ibang salita, kayo ay pag-aari ng Diyos at nais niya na kayo ang kanyang maging pahingahan. Ngayon, buksan ninyo ang inyong puso sa katotohanan at bigyan siya ng kaluwalhatian sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanya.