Martes, Oktubre 21, 2008

ANG DIYOS AY MAGSASAGAWA NA NG BAGONG BAGAY AT MALUWALHATI

“Ngunit hindi ko ito itinuloy upang ang pangalan ko’y hindi mapulaan ng mga bansang pinag-alisan ko sa Israel” (Ezekiel 20:14).

Ang Diyos ay magsasagawa ng bagong bagay at maluwalhati. Ang bagong bagay na ito ay higit pa tungkol sa pagmumuling-buhay, higit pa sa pagkapukaw. Ito’y gawain ng Diyos na siya lamang ang nagsisimula kapag hindi na niya makayanan ang paglapastangan sa kanyang banal na pangalan. Mayroong panahong dumating na kung saan ay natiyak ng Diyos na ang kanyang Salita ay lubhang tinapakan patungo sa putikan, at ang abominasyon ay lubhang nilapastangan ang tinatawag na ”iglesya,” kailangang tumayo siya at ipagtanggol ang kanyang pangalan sa naligaw na sanlibutan.

“Alang-alang sa kanyang sariling pangalan,” ang Diyos ay magsasagawa ng dalawang matinding bagay. Una, kanyang lilinisin ang mga nasyon at ang kanyang iglesya sa pamamagitan ng nakasisindak na makapagliligtas na mga hatol. Pipigilan niya ang paglusob sa kanyang tahanan ng mga omoseksuwal at mga taong bulaan—at kanyang padadalisayin at lilinisin ang ministeryo at magpapalaki ng mga pastol na nagmumula sa kanyang puso.

Pangalawa, luluwalhatiin ng Diyos ang kanyang banal na pangalan sa pamamagitan ng dakilang kahabagan. Sa kirot ng paghatol na magaganap, ililigtas ng Diyos ang araw sa pamamagitan ng mahimalang pag-ikot ng mga natirang pabalik sa kanya.

Mababasang lahat ito sa Ezekiel 36:21-38. Pinagsama-sama, ito ang hula: “Ipakikita ko ang kabanalan ng dakila kong pangalan na nalalapastangan sa harap ng mga bansa…hindi dahil sa inyo kundi dahil sa banal kong pangalan. Makikilala ng lahat na ako si Yahweh. Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo’y luminis. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin. Lilinisin ko ang lahat ninyong karumihan. Hindi dahil sa inyo kundi dahil sa banal kong pangalan.”

“Ngunit hindi ko rin itinuloy ito upang ang pangalan ko’y hindi mapulaan ng mga bansang pinag-alisan ko sa kanila…At kung tanggapin ko kayong mabuti at di ko gawin ang nararapat sa inyong masasamang lakad at gawain, makikilala ninyong ako si Yahweh” (Ezekiel 20:22-44).