Biyernes, Oktubre 3, 2008

PAGSUBOK SA TAO

“Sa pakikiharap niya’y hindi siya pinangunahan ng Diyos upang subukin siya” (2 Cronica 32:31).

Lubha tayong abala na subukin ang Diyos at hindi natin naihanda ang ating mga puso para sa mga mabibigat na pagsubok sa ating mga buhay na kung saan ay sinusubok ng Diyos ang tao. Maari kayang ang mga mabibigat na pagsubok na iyong kinakaharap ngayon, ang kabigatan na dala mo ngayon, ay siya palang gawa ng Diyos upang subukin ka?

“Sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag siya ng Diyos at tumugon siya. Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac…at ihandog mo siya sa akin” (Genesis 22:1-2). Sinubok ng Diyos ang buong bansa upang malaman kung ano talaga ang nilalaman ng puso nito. “Alalahanin ninyo kung paano niya kayo pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon upang matuto kayong magpakumbaba. Sinubok niya kayo kung susundin ninyo siya” (Deutoronomo 8:2).

Nakita natin ang kahanga-hangang bagay sa 2 Cronico 32:31: Iniwan ng Diyos ang hari sa isang panahon upang subukin siya. “Sa pakikiharap niya’y hindi siya pinangunahan ng Diyos upang subukin upang malaman ang lahat ng laman ng puso niya.”

Kadalasan, habang nasa makatuwirang pagpapatuloy ng gawain ng Diyos, nakita ng katiwala ng Panginoon ang sarili niya na hayagang pinabayaan—sinubukan sa hangganan ng katatagan at iniwang mag-isang nakikipaglaban sa puwersa ng impiyerno. Ang bawat tao na pinagpala ng Diyos ay sinubukan sa ganitong pamamaraan.

Nakita mo na ba ang sarili mo sa kakaibang kalagayan? Nararamdaman mo ba na ikaw ay pinabayaan at nag-iisa? Nakikipaglaban ka ba sa walang kalaban-labang pakikidigma laban sa di-mawaring kalaban? Ito ang mga hudyat na tumutukoy sa mga pagsubok.

Ang tagumpay ay laging ninanais, at kapag ikaw ay nabigo, tandaan: Kung ano ang natitirang nilalaman ng puso mo ang bagay na mahalaga sa Diyos, ang iyong saloobin pagkatapos mong mapagtagumpayan o matalo sa malungkot na pakikipaglaban. Ang iyong katapatan sa kanya kahit na ikaw ay nabigo ang kanyang ninanais.

Ipinangako ni Hesus na hindi niya tayo iiwan o pababayaan, ngunit ang talaan ng Kasulatan ay nagpahayag na may panahon na kung saan ay inalis ng Ama ang kanyang presensiya upang subukin tayo. Maging si Kristo ay naranasan ang malungot na sandali sa krus. Ito ang panahon na ang pinagpalang Tagapagligtas ay natitigatig sa damdamin ng kahinaan—at bumulong siya, “Nanalangin ako, na ang iyong pananampalataya ay mananatili.”

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin (tingnan ang Mateo 16:24). Ano ang krus? Ito ang laman sa karupukan nito at kahinaan. Pasanin ito, magpatuloy sa pananampalataya, at ang kanyang lakas ay gagawin niyang ganap sa iyo. Ang iyo bang sariling krus at kasalanan ay lubhang mabigat para sa iyo? Kung ganon, pasanin mo ang iyong krus at sumunod ka sa akin. Nauunawaan niya at nandoon siya sa tabi upang pasanin ang mabigat na dalahin.