Sa Jeremias 5, nanawagan ang Diyos, “Mga taga-Jerusalem, magmasid–masid kayo. Libutin ninyo ang mga lansangan at buong paligid. Maghanap kayo sa mga pamilihan kung mayroon kayong masusumpungang isa mang taong tapat at makatarungan. Kung magkagayon, patatawarin ni Yahweh ang Jerusalem” (Jeremias 5:1). Sinasabi ng Panginoon, na may kakanyahan, “Magpapatawad ako, kung makakasumpong ako ng kahit isang tao na naghahanap sa akin.”
Sa panahon ng pagkakabihag ng Babilonya, nakatagpo ang Diyos ng isang tao kay Daniel. At ngayon, higit pa sa nagdaang mga kasaysayan, ang Panginoon ay patuloy na naghahanap ng kahalintulad na makadiyos na mga lalaki at babae. Hinahanap ang mga tapat na lingkod na nagkukusang “magsilbing harang” at “tumayo sa puwang,” gawain na maari lamang makamit sa pamamagitan ng pananalangin.
Katulad ni Daniel, ang ganitong tao ay matatagpuan na may Salita ng Diyos sa kanyang mga kamay. Nang dumating ang Banal na Espiritu kay Daniel, ang propeta ay nagbabasa ng aklat ni Jeremias. At noon ipinahayag ng Banal na Espiritu na ang sandali ng kaligtasan ay dumating na sa Israel. At sa pagdating ng pahayag, si Daniel ay naudyukan na manalangin: “Dahil dito, buong taimtim akong dumulog kay Yahweh. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako at nagbuhos ng abo. Ganito ang dalangin ko: Panginoon, dakila ka at Makapangyarihang Diyos na langit tapat sa umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga utos” (Daniel 9:3).
Alam ni Daniel na ang mga tao ng Diyos ay hindi pa handang tanggapin ang pagpapanumbalik. Ganunpaman, tinuligsa ba ng propeta ang kanyang mga kauri sa kanilang mga kasalanan? Hindi-inihalitulad ni Daniel ang kanyang sarili sa pagkabulok ng moralidad sa kanyang kapaligiran. Ipinahayag niya, “Nagkasala po kami. Nagpakasama at sumuway sa inyong tuntunin at kautusan” (Daniel 9:5).
Matibay na ninais ng Diyos na pagpalain ang kanyang mga tao ngayon—ngunit kung ang ating mga isipan ay nahawahan ng espiritu ng sanlibutang ito, wala tayong karapatan para tanggapin ang kanyang mga pagpapala. Ginawa ni Daniel ang makapangyarihang pahayag na ito: “Tulad ng nasusulat sa kautusan ni Moises, naranasan namin ang pahirap na ito. Gayunman, wala kaming ginawa upang maglubag ang iyong kalooban. Hindi rin naming tinalikdan ang aming kasamaan ni inisip na totoo ang iyong salita. Kaya pinarusahan mo kami dahil sa aming pagsuway pagkat ikaw ay Diyos ng katwiran” (Dani3l 9:13-14).
Para sa Diyos aming susuriin ang aming sariling paglalakad kasama ang Panginoon at hahayaan ang Banal na Espiritu na ipakita sa atin ang lugar ng pakikipagkasundo. Gagawin namin ang higit pa sa pananalangin para sa isang nagkakasalang nasyon. Tatangis kami, “O, Panginoon, suriin mo ang aking puso. Ihayag mo sa akin ang lahat ng espiritu ng sanlibutang ito na gumapang sa aking espiritu.” Katulad ni Daniel, maari nating itakda ang ating mga mukha para manalangin ng kaligtasan ng ating pamilya—ng ating bansa.