Huwebes, Oktubre 16, 2008

SIGE AT TUMANGIS KA

Kapag labis kang nagdurusa—pumunta ka sa iyong lihim na silid at itangis mo ang lahat ng iyong kawalan ng pag-asa!

Tumangis si Hesus. Tumangis si Simon-Pedro ng mapait! Dala-dala ni Simon-Pedro ang kirot ng pagtatwa niya sa kaisa-isang anak ng Diyos. Ang mga mapait na luhang iyon ay nagdulot sa kanya ng isang matamis na himala. Bumalik siya upang yugyugin ang kaharian ni Satanas.

Hindi kailanman tumatalikod si Hesus sa tumatangis na puso. Sinabi niya, “Ang handog ko O Diyos na karapat-dapat, ay pakumbaba’t pusong mapagtapat” (Awit 51:17). Hindi minsan man sasabihin ng Panginoon, “Magpakatatag ka! Tumayo ka at inumin ang iyong gamot! Kagatin mo ang iyong mga ngipin at patuyuin ang iyong mga luha.” Hindi! Itinatago ni Hesus ang bawat patak ng luha sa kanyang walang-hanggang sisidlan.

Nagdurusa ka ba? Mabigat ba? Kung ganoon sige at tumangis ka! At magpatuloy ka sa pag-tangis, hanggang sa tumigil ang pagpatak ng luha. Ngunit hayaang manggaling lamang ang mga luhang iyong sa pagdurusa—at hindi sa kawalan ng pananalig o pag-kaawa sa sarili.

Magpapatuloy ang buhay. Mabibigla ka kung gaano ang makakayanan mo kasama ang tulong ng Diyos. Ang kaligayahan ay hindi ang mamuhay ng walang kirot o pagdurusa. Ang tunay na kaligayahan ay ang matutunan ang mabuhay ng bawat isang araw, na kahit na may dalamhati at pagdurusa. Ito ay matutunan kung paano magalak sa Panginoon, anuman ang nangyari sa nakalipas.

Maaring madama mong ikaw ay tinanggihan. Ang pananalig mo ay maaring nanghihina. Maaring isipin mo na ikaw ay bagsak sa pagbibilangan. May mga panahon na ang dalamhati, mga luha, kirot at kahungkagan ay maaring lamunin ka, ngunit ang Diyos ay nananatili sa trono. Siya pa rin ang Diyos!

Hindi mo matulungan ang sarili mo. Hindi mo mapigilan ang kirot at pagdurusa. Ngunit ang ating pinagpalang Panginoon ay darating sa iyo, at ilalagay niya ang kanyang mapagmahal na kamay sa ilalim mo at bubuhatin ka para maupong muli sa malalangit na lugar. Ililigtas ka niya sa takot ng kamatayan. Ipapahayag niya ang kanyang walang-hanggang pag-ibig sa iyo.

Tumingin sa taas! Hikayatin ang sarili sa Panginoon. Kapag napapalibutan ka ng ulap at hindi mo makita ang daan palabas sa iyong mga suliranin—humiga sa mga kamay ni Hesus at manalig sa kanya. Nais niya ang iyong pananalig—ang iyong pagtitiwala. Nais niyang tumangis ka ng malakas—“Iniibig ako ni Hesus! Kasama ko siya! Hindi niya ako bibiguin! Kumikilos siya sa lahat sa mga sandaling ito! Hindi ako iwawaksi! Hindi ako magagapi! Hindi ako magiging biktima ni Satanas! Nasa tabi ko ang Diyos! Iniibig ko siya—at iniibig niya ako!”

Ang kalalabasan ay ang pananalig. At ang pananalig ay nakasalalay dito sa isang tiyak: “Wala nang sandatang gagamitin sa iyo, at masasagot ang anumang ibintang sa iyo…” (Isaias 54:17).