Martes, Oktubre 7, 2008

PAGPAPAGALING NG MGA KABALUKTUTAN

“Ang sariling dati-rati’y namumuhay ng baluktot, nang ako’y parusahan, salita mo ang sinunod” (Awit 119:67).

Naniniwala ako sa pagpapagaling, naniniwala ako sa kabaluktutan. Naniniwala ako sa “pagpapagaling ng kabaluktutan.” Anumang kabaluktutan na nagdadala sa akin para maligaw—na lalong nagdadala sa akin ng malalim sa kanyang Salita—ay ang pagpapagaling. Ang pinakamabuting lakas ng pagpapagaling espirituwal at pisikal ay ang kabaluktutan.

Para imungkahi na ang kirot at kaguluhan ay galing sa diyablo ay pagmumungkahi na si David ay itinulak ng diyablo para hanapin ang Salita ng Diyos. Dumanas ako ng matinding kirot. Tumawag ako sa Diyos ng kaligtasan at nanalig ako sa kanya ng ganap na pagpapagaling. Gayunman, habang ako’y patuloy na nananalig, patuloy akong nagpapasalamat sa Diyos sa kasalukuyan kong kalagayan at hayaang magpaalala sa akin kung gaano ako ganap na umaasa sa kanya. Kasama si David masasabi kong, “Sa akin ay nakabuti ang parusang iyong dulot” (Awit 119:71).

Ang kirot at kabaluktutan ay hind dapat kamuhian na galing mula sa diyablo. Ang mga dalahing ito ay nagbunga ng mga dakilang tao ng pananampalataya at katalasan.

“Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga kabalisahan sapagkat siya ang kumukupkop sa inyo” (1 Pedro 5:7).

Nagsalita si Pablo tungkol sa “pangangalaga” ng mga iglesya na itinulak sa kanya (tingnan ang 2 Corinto 11:28). Bawat bagong silang na iglesya ay panibagong “pangangalaga” sa kanyang mga balikat. Paglago, pagpapadami, pagdadagdag ng gawain ay palaging may kaakibat na bagong pangangalaga. Ang taong gagamitin ng Diyos ay nararapat na may malawak na kaalaman. Hindi siya dapat manliliit o mangingimi sa ilalim ng mga hamon ng maraming pangangalaga at mga responsibilidad. Bawat bagong hakbang ng pananampalataya na pinagdadalhan sa akin ng Diyos ay may kaakibat na maraming bagong pangangalaga at mga suliranin. Alam ng Diyos kung gaano kadami ang mga pangangalaga na maari niyang ipagkatiwala sa atin. Hindi niya tayo hinahanap upang papanghinain—sa kalusugan o lakas; ito ay dahil lamang sa mga nagkukusang mga manggagawa ay kakaunti at ang aanihin lubos na marami. Ang pangangalaga ay kinukuha mula sa mga tumatanggi dito at ibinibigay bilang handog doon sa mga hindi natatakot dito. Kalimutan ang mga dalahin ng pangangalaga na buhat mo—hindi ba natin ito maibibigay lahat sa kanya?

Bawat bagong biyaya ay nag-uugnay sa mga pamilya ng pangangalaga. Hindi sila maaring paghiwalayin. Hindi mo matutunan ang mamuhay sa biyaya hanggang hindi mo natututunan ang mamuhay na may pangangalaga.