Huwebes, Oktubre 2, 2008

NAPAGTAGUMPAYAN NI KRISTO ANG PAKIKIPAGLaBAN PARA SA IYO

Sa mga nakaraang buwan, nabasa ko ang maraming malungkot, nakaaawang liham mula sa mga mananampalataya na patuloy pa ring nakagapos sa mga nakagawiang kasalanan. Maraming mga nagpapakahirap na Kristiyano ay sumulat, “Hindi ko mapigilan ang magsugal…Ako’y hawak nang mahigpit sa pagkagumon sa alak…Ako’y may ipinagbabawal na relasyon at hindi ako makahulagpos dito…Ako’y alipin ng pornograpiya.” Sa bawat liham, ang mga taong ito ay nagsasabi ng magkakahalintulad na bagay: “Iniibig ko si Hesus at ako’y nagmamakaawa sa Diyos na palayain niya. Nanalangin ako, tumangis at humanap ng makadiyos na pagpapayo. Ngunit hindi pa rin ako makahulagpos. Ano ang maari kong gawin?”

Umubos ako ng panahon sa paghahanap sa Panginoon para sa kaalaman kung paano tutugon sa mga mananampalatayang ito. Nanalangin ako, “Panginoon, alam mo ang buhay ng iyong mga anak. Marami ay deboto, puspos ng Espiritu, ngunit wala sila ng tagumpay mo. Hindi nila alam ang kalayaan. Ano ang nangyayari?”

Sa isang punto, pinag-aralan ko ang mga talata sa bibliya na naglalaman ng mga pangako ng Diyos sa kanyang mga tao. Pinaalalahanan ako na ang Panginoon ay nangako hindi niya tayo hahayaang mahulog, na maiharap tayong walang kapintasan, na mabigyan tayo ng katarungan sa pamamagitan ng pananalig, masantipikahan tayo sa pamamagitan ng pananalig, na mapanatili tayong banal sa pamamagitan ng pananalig. Ipinangako niya na ang dati nating sarili ay ipinako sa pamamagitan ng pananalig, at tayo ay dinala sa kanyang kaharian sa pamamagitan ng pananalig.

Ang isang bagay na karaniwan sa mga panagako sa pariralang ito ay : “sa pamamagitan ng pananalig.” Sa katunayan ang lahat ng bagay na ito ay sangkap ng pananalig, ayon sa Salita ng Diyos. Kayat ako’y nakarating sa nag-iisang malinaw na pagpapasiya tungkol sa mga pinagdurusahang mga suliranin ng mga Kristiyano: kung saan ang pinag-ugatan ng kanilang pagkakagapos ay kawalan ng pananalig. Ang lahat ng ito ay nauwi sa kakulangan ng pananalig.

Ikaw ba’y nagpapakahirap na makamit ang tagumpay sa sarili mong kakayanan? Ikaw ba’y nakikipaglaban sa pamamagitan ng luma mong pamamaraan? Tinukoy ni Pablo, “Ang ibinibigay sa taong gumagawa ay hindi ibinibilang na kaloob kundi upa. Datapwat ang hindi gumagawa kundi nananalig sa Diyos na nagpapawalang sala sa makasalanan ay pinawalang-sala dahil sa kanyang pananalig” (Roma 4:4-5).

Ang iyong tagumpay ay hindi dapat nanggagaling sa pamamagitan ng iyong pagtangis o pagpapakahirap, kundi sa pamamagitan ng pananalig na pinagtagumpayan ni Kristo ang pakikipaglaban para sa iyo

“At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya” (Hebreo 11:6). Katunayan, sinabi ni Pablo na isa lamang ang kailangan na nakakabit sa mga pangako ng Diyos: Subalit kailangan kayong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag bayaang mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong narinig” (Colosas 1:23).

Isinuko lahat ni Kristo sa kanyang Ama, upang maging lubos na masunuring Anak. At kailangang ganoon din ang ating gagawin. Kailangang maging lubusan tayong umaasa sa Ama, katulad ni Kristo.