“At idinugtong pa niya…Unawin ninyong mabuti ang inyong naririnig. Ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring gagamitin sa inyo ng Diyos—at higit pa. Sapagkat ang mayron ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa” (Marcos 4:24-25).
Alam ni Hesus na ang mga salitang ito ay maaring kakaiba sa pandinig ng mga hindi espirituwal, kayat sinundan niya ang kanyang mensahe sa pagsasabi ng ganito, “Ang may pandinig ay makinig” (Marcos 4:23). Sinasabi ni Hesus sa atin, “Kung ang puso mo ay bukas sa Espiritu ng Diyos, mauunawaan mo ang mga sasabihin ko sa iyo.”
Ano, talaga, ang tinutukoy ni Hesus sa mensaheng ito? Ipinapahayag niya ang kaluwalhatian ng Diyos sa mga buhay natin—at iyon ay ang ipinakikitang presensiya ni Kristo. Sa madaling sabi, sinusukat ng Panginoon ang kanyang maluwalhating presensiya sa ibat-ibang halaga, kung ito man ay sa mga iglesya o sa bawat isa. Ang iba ay hindi nakakatanggap ng kanyang kaluwalhatian. Gayunman, ang iba ay nakakatanggap ng patuloy na dumadaming sukatan, na nanggagaling mula sa mga buhay at mga iglesya sa padami ng padaming halaga.
Ipinangako ng Diyos na pupuspusin niya ng kanyang Espiritu ang kanyang mga tao sa mga huling araw na ito. Sa katunayan, lahat ng Kasulatan ay tumutukoy sa tagumpay, puno ng kaluwalhatiang mga iglesya sa pagtatapos ng panahaon. Sinabi ni Hesus na ang pasukan ng impiyerno ay hindi mananaig laban sa iglesya. Hindi tayo pipilay-pilay patungo sa langit—bugbog-sarado, nalulumbay, humihikbi, talunan, nawalan ng pag-asa. Hindi—ang ating Panginoon ay magdadala ng malakas na kapangyarihan sa kanyang iglesya. Ang kapangyarihang ito ay hindi basta ipakikita sa mga senyales at mga kababalaghan. Ito ay ipapahayag sa kanyang mga tao—sa maluwalhating pagbabagong-anyo ng mga puso na hinipo ng Espiritu ng Diyos.
Paano natin makakamit ang dakila, patuloy na lumalagong panukatan ng kaluwalhatian ni Kristo? Sinabi ng maliwanag ni Kristo sa atin: “Ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring gagamitin sa inyo ng Diyos” (Maros 4:24). Sinasabi ni Hesus, “Ayon sa ibinahagi ng sarili mo na ipinagkaloob mo sa akin, ay siya ring ibabahagi ko sa iyo. Haharapin kita sa paraan na katulad ng pakikiharap mo sa akin. Anumang panukat ang gamitin mo sa akin, ay siya ring panukat na gagamitin ko sa iyo.”
Kung ang sukatan na ibinigay mo sa Diyos ay pagka-batugan at katamaran—binabale-wala ang kanyang dakilang gawain—ikaw ay bibigyan ng espiritu ng tulog. “Ang taong tamad ay laging nakatihaya, kaya’t siya’y magugutom, walang panlagay sa sikmura” (Kawikaan 19:15). Ang kalalabasan, ang iyong espiritu ay magugutom, hindi kailanman makukuntento.
Ang pag-ibig, kahabagan at grasya ng Diyos ay walang katapusan. Ang usapin dito ay hindi ang pagkakamit ng pag-ibig, kahabagan o grasya—kundi ang magkaroon ng pagpapala ng kaluwalhatian sa ating mga buhay.
Payak na ipinaliwanag ni Hesus na sinukat niya sa magkakaibang halaga ng kanyang kaluwalhatian sa atin, ayon sa kung paano niya sinukat ang puso niya sa kanya. Ang ating bahagi ay upang payak na lumapit ng husto sa kanya—sa ating pagsamba, pagsunod at pagsisikap.