“Sinabi pa ni Yahweh, ang Banal ng Israel: Magbalik-loob kayo at muling magtiwala sa akin at kayo ay lalakas at tatatag” (Isaias 30:15).
Narito ang lihim ng Diyos sa espirituwal na lakas: “Pananahimik at pagtitiwala ang inyong magiging lakas.” Ang salitang “pananahimik” sa Hebreo ay nangangahulugan ng “hinahon.” At ang hinahon ay kalmado, naglilibang-libang, malaya sa pagkabalisa; upang maging matatag, ang mahiga na may tukod mula sa ilalim.
Hindi maraming Kristiyano sa panahong ito ay nagtataglay ng ganitong pagkatahimik at pagtitiwala. Marami ay abala sa pagkahibang sa mga aktibidad, nagmamadaling parang loko para magkamit ng yaman, pagmamay-ari at kaaliwaan. Maging sa ministeryo, ang mga lingkod ng Diyos ay tumatakbo tungkol sa pag-aalala, katatakutan, naghahanap ng kasagutan sa mga malaking pagpupulong, mga seminar, mga mabibiling-aklat. Ang lahat ay naghahangad ng patnubay, mga solusyon, bagay na magpapakalma sa kanilang espiritu. Gayunman hinahanap nila ito saan man maaring manggaling ito bukod sa Panginoon. Hindi nila naisip na nangusap na para sa kanila ang Diyos sa pamamagitan ni Isaias: Kapag hindi sila tumingin sa kanya bilang sandalan, ang kanilang paghihirap ay mauuwi sa lumbay at kaguluhan.
Ipinahayag ni Isaias ang kung paanong ang kaluwalhatian ng Diyos ay maisasakatuparan para sa atin: “Pagkat pawang katuwiran ang gagawin ng bawat isa kaya iiral ang katahimikan at kapanatagan, magpakailanman” (Isaias 32:17). Kung tayo’y tunay naglalakad sa katuwiran, ang ating mga buhay ay magbubunga ng kalmadong espiritu, katahimikan ng puso at kapayapaan ng Diyos.
Habang tumingin si Isaias sa kapaligiran niya, nakita niya ang mga tao ng Diyos na tumatakas patungong Ehipto para humanap ng tulong, nagtitiwala sa tao, umaasa sa mga kabayo at mga karosa. Ang mga Embahador ay nagdadatingan at nag-aalisan. Ang mga namumuno ay nagsasagawa ng mga pagpupulong estratehiya. Ang lahat ay nagkakagulo, nagtataghuyan, “Ano ang gagawin natin?”
Siniguro ni Isaias sa kanila, “Hindi dapat ganito ang pamamaraan. Manumbalik kayo mula sa inyong makasalanang gawain. Magsisi sa inyong rebeldeng pagtitiwala sa iba. Manumbalik sa Panginoon, at tatakpan niya kayo ng kumot ng kapayapan. Bibigyan niya kayo ng katahimikan, at kapahingahan sa gitna ng lahat ng inyong mga kinakaharap.