Nang isinulat ang aklat ni Daniel, ang Israel ay nasa pagkabihag sa Babilonya. At sa ika-anim na kabanata, pagakatapos ng mahabang buhay sa ministeryo, si Daniel ay walumpung taon gulang.
Si Daniel ay isang palagiang mapanalanging tao. At ngayon, sa matanda niyang gulang, wala sa isip niya ang huminto. Hindi binanggit sa Kasulatan na si Daniel ay napagod o nawalan ng pag-asa. Sa kabaliktaran, si Daniel ay nagsisimula pa lamang. Ipinakita ng kasulatan na kahit na siya ay walumpung taong gulang na, ang kanyang mga panalangin ay yumanig sa impiyerno, ginalit ang mga dimonyo.
Iniasenso ni Haring Darius si Daniel sa pinakamataas na posisyon sa bayang iyon. Siya ay naging kahanay sa tatlong magkakahalintulad na pangulo, namumuno sa mga prinsipe at mga gobernador ng 120 lalawigan. Si Daniel ang naging pangunahin sa tatlong tagapamahala at ginawa siyang namumuno sa mga gumagawa ng mga patakaran sa pamahalaan at nagtuturo sa lahat ng inihirang sa hukuman at mga matatalino (Daniel 6:3).
Maliwanag, si Daniel ay isang abalang propeta. Naiisip ko lang ang uri ng mga kabigatan na iniatang sa ministrong ito, sa lubha niyang abalang panahon at makaubos oras na mga pagpupulong. Wala, ganunpaman, ang makapag-aalis ng panahon niya para manalangin; hindi siya maaring maging abala kapag mananalangin na. Ang manalangin ang nangunguna niyang gawain, inuuna sa lahat na hinihingi ng kanyang pagiging abala. Tatlong ulit araw-araw, nagnanakaw siya ng oras mula sa lahat ng gawain niya, dalahin, at mga kinakailangang gawin bilang namamahala upang gumugol ng panahon kasama ang Panginoon. Basta bibitiwan niya ang ginagawa at mananalangin. At sinagot siya ng Diyos. Tinanggap lahat ni Daniel ang kanyang karunungan, pangunguna, mga mensahe at mga hula habang nakaluhod (tingnan Daniel 6:10).
Maari mong tanungin—Ano ang panalangin na makayayanig sa impiyerno? Nagmumula ito sa mga tapat, masipag na lingkod na nakikita ang bansa at iglesya na nahuhulog na ng malalim sa kasalanan. Ang taong ito ay luluhod, tumatangis, “Panginoon ayokong maging bahagi ng mga nangyayari. Hayaan mong maging halimbawa ako ng pagtatago ng iyong kapangyarihan sa gitna ng makasalanang panahong ito. Hindi mahalaga kung wala ng ibang nananalangin. Mananalangin ako.”
Lubha ka bang abala upang manalangin? Sinasabi mo ba, “Dinadaan ko na lang sa pananalig”? maari mong isipin sa sarili mo, “Alam ng Diyos ang puso ko; alam niya kung gaano ako kaabala. Ibinibigay ko sa kanya ang aking pananalangin sa isip sa buong araw.”
Naniniwala ako na nais ng Panginoon ang kahalagahan, hindi nagmamadaling panahon niya sa atin. Panalangin na nagiging galaw ng pag-big at debosyon, hindi oras ng pag-hingi lamang.