Ang Banal na Espiritu ay nagbigay sa atin ng lakas noong ating ibinigay ang ating mga pangangailangan sa mga kamay ng Diyos at manalig sa kanyang kapangyarihan.
Si Ruth ay isang halimbawa ng ganitong pagtitiwala. Pagkatapos na mamatay ang kanyang asawa, si Ruth ay nanirahan sa kanyang biyenang babae na si Naomi. Si Naomi ay nag-aalala sa kabutihan at kinabukasan ni Ruth. Kayat pinayuhan niya si Ruth na humiga sa paanan ng mayamang si Booz at hingin na tuparin ang kanyang obligasyon sa kanya bilang kanyang mapapangasawa.
Nang gabing iyon, matapos kumain at uminom si Booz ay nahiga at natulog “sa tabi ng bunton ng sebada” (Ruth 3:7) at nagkumot. Sumunod na umaga, nagulat siya nang makitang may babaing nakahiga sa paanan niya. (Walang imoral sa presensiya ni Ruth doon; ito ay isang kaugalian ng panahong iyon).
Sinabi ni Ruth sa kanya, “Si Ruth po ang inyong alipin, tugon ng babae. Isa kayong kamag-anak na malapit kaya marapat na ako’y kalingain ninyo’t pakasalan ayon sa inyong kaugalian” (Ruth 3:9). Sinasabi niya na may kakanyahan, “Inyo bang tatanggapin ang inyong obligasyon ng isang kamag-anak para sa akin? Kakalingain ninyo ba ako?” Ang tunay ay tinatanong niya, “Pakakasalan ninyo ba ako?”
Ito ay hindi isang planong pagmamanipula. Ginawa ni Ruth at Naomi ang lahat sa banal na kaayusan. Nakakasiguro tayo dito, sapagkat ang angkan ni Kristo ay dumaaan kay Ruth. Nang si Ruth na biyenan niya tinanong siya, “Kumusta ang lakad mo anak?” (3:16). Tinanong niya sa ibang salita, “Tatawagin ko bang ikaw ay may kasaunduan nang pakasal Ruth? O ikaw ba’y isa pa ring balo?”
Sinabi lahat ni Ruth kay Naomi ang lahat ng nangyari. Making sa makadiyos na payo ni Naomi. “Maghintay ka anak, hanggang sa malaman mo kung ano ang kalalabasan ng bagay na ito. Hindi titigil si Booz hangga’t di niya ito nalulutas” (Ruth 3:18). Ipinanalangin ni Naomi ang tungkol sa bagay na ito, hinihingi ang gabay ng Diyos, at binigyan siya ng Diyos ng payo. Ipina-alala sa kanya ang batas ng lalaking ikakasal-na sasalo (na isang uri at pagpapahiwatig kay Kristo). Kaya tiwala si Naomi na nagawa na nila ni Ruth ang kanilang bahagi. Ngayon ay panahon na maghintay at manalig sa Diyos na gagawin niya ang kanyang pangako. Sinasabi niya, “Nasa kamay na lahat ng Panginoon, Ruth. Maglibang-libng ka lang at maging kalmado.”
Isang kalmado at kapayapaan ang nadama sa tahanan ni Naomi. Walang nahihibang, kumakagat ng kuko at nag-aalala, “Gagawin kaya ng Diyos ito? Kalian mangyayari ito?” Ang dalawang matapat na babaing ito ay maaring maglibang-libang, umawit at purihin ang Panginoon sa kabutihan niya.
Nanalangin ka ba? Nagtiwala ka ba? Handa ka bang maghintay at “Makita ang kaligtasan ng Panginoon”? Hawak niya ang lahat sa mga kamay niya.