Ang Juan 14 ay naglalaman ng dalawang dakilang mga pangako. Sa una, ipinahayag ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko” (Juan 14:12-14).
Matapos ang dalawang talata, ipinangako ni Hesus, “Dadalangin ako sa Ama, ay kayo’y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito’y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y sumasainyo at nananahan sa inyo. Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo” (Juan 14:16-18).
Ang dalawang ito ay ang dalawang dakilang pangako mula kay Hesus. Gayunman, pansinin ang isang talata na napagigitnaan ng dalawang ito: “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos” (Juan 14:15). Bakit ang pahayag na ito ay lumabas dito? Sinasabi ni Kristo sa atin, “Mayroong bagay ng pagsunod na nakakabit sa mga pangakong ito.” Sa madaling sabi, ang dalawang pangako ay may kinalaman sa pag-iingat at pagsunod sa Salita ng Diyos. Ito ay ibinigay upang sundin, ipang walang makapigil sa atin sa pag-angkin ng kapangyarihan na na kay Kristo.
Nahikayat ako na ang humingi ng kaunti o wala kay Hesus ay isang paninisi sa kanya. Taon-taon, maraming Kristiyano ang nasisiyahan na sa paunti ng paunti. Sa huli, sapat na sa kanila ang kaligtasan lamang. Wala silang inaasahan kundi ang makarating sa langit balang-araw.
Tanong ko sa iyo: nakarating ka na ba sa katapusan ng iyong Kristo? Wala ka bang inaasahan maliban sa mailigtas ng kanyang kapangyarihan at biyaya? Ang iyo bang Kristo ay natatapos na sapat lamang ang lakas para makalampas sa isang araw? Tinatapos niya ba sa iyo sa isang lugar ng paminsan-minsang katahimikan at kagalakan, sa buhay na ipinamuhay halos sa ilalim ng panggugulo ni Satanas?
Ang lahat ng talatang ito sa Salita ng Diyos ay nahikayat ako na ang “aking” Hesus ay hindi malaki kaysa sa aking mga kahilingan. Gayunman, nakakalungkot, maraming Kristiyano ay pinagmukha si Kristong hindi mahalaga at walang kapangyarihan dahilan sa kanilang kawalan ng pananalig. Mga minamahal, ayokong gawing maliit lamang ang aking Kristo. Sa halip, nais kong malaman ng bawat dimonyo sa impiyerno kung gaano kalaki ang aking Diyos sa pamamagitan ng kung gaano kalaki ang mga kahilingan. Nais ko ang higit pa mula kay kristo. Nais ko siyang maging higit pang mas malaki sa aking buhay.