Huwebes, Setyembre 25, 2008

ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG LUPANG IPINANGAKO

Ibinigay ng Diyos sa ating ninunong si Abraham ang lupa sa Canaan “para sa panghabang-panahon ng pagmamay-ari” (Genesis 17:8). Sa Hebreo, ang salitang habang-panahon ay nangangahulugan ng walang katapusan. Maari mong isipin, “Si Abraham ay magbubunyi tungkol dito. Ipinangako ng Diyos sa kanyang mga apo ang pirmihang tirahan, hanggang abot ng kanilang mga tanaw, at ito ay mananatili ng walang-hanggan.” Kaya lamang, ang Bagong Tipan ay nagsabi sa atin na ang daigdig ay wawasakin ng apoy, masusunog ng lubusan na mawawala sa kapanatilihan, at pagkatapos ay lilikha ang Panginoon ng bagong langit at lupa.

Maaring magtaka ka: Paanong ang “panghabang-panahon ng pagmamay-ari” ng Diyos para kay Abraham ay magiging isa lamang lupang pag-aari? Paano ito magiging pangwalang-hanggan? Ang katunayan ay, ang lupang ipinangako ay sumasagisag sa lugar na lampas pa sa daigdig. Naniniwala ako na alam ni Abraham ito sa kanyang espiritu. Sinabi ng Bibliya nang nagtungo si Abraham sa Canaan, lagi niyang pakiramdam ay isa siyang dayuhan: “Dahil din sa kanyang pananalig, siya’y nanirahan bilang dayuhan sa lupang ipinangako sa kanya ng Diyos” (Hebreo 11:9). Bakit nagkaganito? Sapagkat ang puso ni Abraham ay naghahanap ng bagay na higit pa sa lupang ito.

“Habang hinihintay niyang maitatag ang lunsod, na ang nagplano ay ang Diyos” (Hebreo 11:10). Nakita ni Abraham ang tunay na kahalagahan ng pagpapala ng lupa at napag-isipan niya, “Ang lupang ito ay hindi ang tunay na pag-aari. Ito ay naglalarawan lamang ng tunay na aral ng padating na dakilang pagpapala.” Napanghawakan ni Abraham ang tunay na kahulugan ng Lupang Ipinangako; alam niya ang Canaan ay sumasagisag sa pagparito ng Mesiyas. Sinabi ni Hesus mismo sa atin, “Natuwa ang inyong amang si Abraham nang mabatid na makikita niya ang araw ng pagparito ko; nakita nga niya ito at siya’y nagalak” (Juan 8:56).

Itinulot ng Banal na Espiritu sa patriyarkang ito na makita niya sa mga taon, hanggang sa araw ni Kristo. Alam niya ang kahulugan ng Lupang Ipinangako ay nangangahulugan ng ganap na kapayapaan at kapahingahan. At, bilang alam ni Abraham, ang lugar ng kapahingahang ito ay si Hesu-Kristo mismo. Iyan ang totoo, ang Panginoong si Hesu-Kristo ay ang ipinangakong pag-aari. Tayo ay kanya, ngunit siya ay atin din. At tayo ay inanyayahan ng Diyos na makamit ang walang-hanggang pag-aari ng simpleng pananampalataya.