Miyerkules, Setyembre 10, 2008

ANG IKUMPISAL SI KRISTO

“Ang sinumang kumikilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit” (Mateo 10:32-33).

Ang salitang Griyego dito para sa “kumpisal” sa talatang ito ay nangangahulugan ng kasunduan, pagsang-ayon o pakikipagkasundo. Si Hesus ay nagpapahayag ng kasunduan na mayroon tayo sa kanya. Ang ating bahagi ay ang ikumpisal siya, o ilarawan siya, sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Tayo ay mamumuhay sa kanyang pangako ng pag-iingat at pansariling pangangalinga niya para sa atin. At tayo ay magpapatotoo sa kanyang kahanga-hangang pagpapala kung paano tayo namumuhay.

Ang pagkilala kay Kristo ay higit pa sa paniniwala sa kanyang pagka-Diyos. Ito ay tungkol sa higit pa sa pagpapahayag na siya ang Anak ng Diyos, ipinako, inilibing, muling nabuhay at naupo sa kanang kamay ng Ama. Ang Kasulatan ay nagsabi na maging ang diyablo ay naniniwala dito, at nanginginig sa kaalamang ito. Kaya, ano ang ibig sabihin ni Hesus nang sinabi niya na ikumpisal siya sa harapan ng mga tao?

“Ang sinumang kumilala sa akin…” (10:32, aking italika). Sa paggamit ng salitang “samakatwid,” sinasabi ni Hesus na may kakanyahan, “Sa liwanag ng aking sinabi…,” o, “Dahil sa aking sinabi sa iyo…” Ano ang kasasabi lang ni Kristo sa kanyang mga tagapakinig? Sinabi niya, “Hindi ba ipinagbibili ang maya ng dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama” (10:29). Sinasabi ni Hesus sa kanila, “isipin ang milyun-milyong mga ibon sa buong sanlibutan. Ngayon isipin ang lahat ng mga ibon na nananatili mula pa noong Nilikha ang lahat. Hanggang sa araw na ito, walang isa mang ibon ang namatay o nabitag na hindi alam ng Amang nasa langit.

At pagkatapos ay ipinunto niya, “Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat” (10:30). Idinidiin ni Kristo, “Tunay na dakila ang Diyos, hindi siya kayang abutin ng iyong pang-unawa. Hindi mo kailanman mauunawaan kung gaano kasusi ang kanyang pagkalinga sa atin.”

Tinapos ni Hesus sa pagsasabing, “Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya” (10:31). Pinagsama-sama niya ang lahat sa pagsasabing, “Ang sinumang kumikilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit” (10:32). Sinasabi niya, “Isipin ang tungkol sa bagay na ipinahayag ko sa inyo tungkol sa Ama na nakikita ang lahat, at nalalaman ang lahat. Kailangang ikumpisal ninyo ito sa buong sanlibutan. Kailangang mabuhay kayo, huminga at magpatotoo, ‘Kinakalinga ako ang Diyos.’”

Manalig sa pag-ibig ng Ama para sa inyo at tanggapin ang kanyang malapit na pagkalinga para sa inyo. At iwaksi ninyo ang lahat ng inyong takot at mga pagdududa. Mamuhay sa harapan ng mga tao na may pananalig na hindi kayo pinababayaan ng Diyos. Ikumpisal sa lahat, “Ang kanyang mga mata ay nakabantay sa mga maya, at alam kong binabantayan niya ako.”