Martes, Hulyo 28, 2009

PAGKA-MASUNURIN AY HIGIT PA SA PAGPAPALA

Sinabi ni Samuel, “Akala mo ba’y higit na magugustuhan ni Yahweh ang handog at hain kaysa pagsunod sa kanya? Ang pagsunod sa kanya ay higit sa handog, at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa” (1 Samuel 15:22).

Ito’y nakasulat, “Pagkamasunurin ay higit pa sa pagpapakasakit.” Sabi ko ito rin ay higit pa sa pagpapala. Ito ang pinakamalalim na kahulugan ng salaysay ng pag-aalay ni Abraham kay Isaak sa altar. Sinabi ng Diyos, “Humayo ka at gawin mo ito.” Sumunod siya. Lumisan ba si Abraham sa altar na nagsasabi, “Nagbago ang isip ng Diyos”? Hindi ako naniniwala. Pagkamasunurin lamang ang nais ng Diyos. Naranasan ko yan ngayon lang araw na ito. Sinabi sa akin ng Diyos na makipagkasundo at binigyan ako ng lahat ng patunay na dapat kong angkinin ng tiyak ang isang bagay. Ginawa ko. Ginawa ko sa abot ng aking kakayanan na makamit ito. Ngunit hindi ko ito nakuha! Ano ngayon? Dapat ko bang tanungin ang Diyos? Dapat ba akong magduda na kinausap niya ako? Dapat ko bang paniwalaan na ako ay hinadlangan ni Satanas? Hindi! Masigasig ko pang hinanap ang Panginoon. Sinabi niya, “Gawin mo ito,” at ginawa ko ito. Ako’y mamamahinga sa kapayapaan ng pagkamasunurin. At ito’y humigit pa sa pagpapala. Ipinapakita lamang ng Diyos ang isang mukha ng barya—pagkamasunurin.

Ang lingkod ay dapat sumunod ng walang pagtatanong! Iyan man ay pananampalataya: Kapag ang panginoon ay nag-utos sa kanyang lingkod na humayo, hahayo siya; tumungo at magtutungo siya.

“Hindi ako matatakot kung ako man ay patayin” (Job 13:15)

Ang tao ba’y magtatangka sa kanyang puso na magtiwala sa Diyos kung lumalabas na hindi niya tinutupad ang pangako? Ang tao ba’y patuloy na bibigkas ng pahayag ng pananampalataya kung ang lahat ng kanyang pangunguna ay “sumabog” sa kanyang mukha? Ginawa ito ng mga higante ng pananampalataya! Ang tao ng dakilang pananampalataya ay humarap sa pinaka maapoy na mga pagsubok. Ang Diyos ay may kakaibang pamamaraan ng paghubog ng pananampalataya, at mas malalim sa Diyos ang patunguhan mo, lalong higit na kakaiba ang iyong pagsubok. Huwag mong akalaing ang mga karamdaman ay nangangahulugan na ikaw ay hindi kaaya-aya sa kanya! Ang mga himala ay ipinakikita lamang sa gitna nang (imposibilidad) pagka-dimaari. Kayat hinahangad mo na ikaw ay maging anak ng pananampalataya—kayat ihanda mo ang iyong sarili sa buhay ng may mga kakaibang pagsubok.

Ang pananampalataya ay dumadating sa pag gawa ng kung ano mayroon ka. Huwag mong hintayin na maalis ang mga hadlang. Humayo ka kahit anupaman! Ang pinakamaselang bahagi ng pananampalataya ay “ang huling kalahati ng oras.”