Maraming nagmumula sa ibang nasyon ay taglay si Kristo bilang kalahatan sa kanila. Gayunman ang nakararami sa mga taong ito, kasama na ang marami mula sa ministeryo, ay tinalikdan si Hesus bilang pinagmulan nila. Bakit? Alam nila na malaking kawalan ito na tumalikod umaasa sa kanilang sariling laman. Nakita mo, mayroong mangyayari kapag tayo ay tumawid sa guhit patungo sa Pinakabanal ng mga banal. Sa sandaling pumasok tayo sa presensiya ng Panginoon, nalaman natin na ang kalamnan ay kailangan mamatay. Kasama dito ang lahat ng pagnanais para sa espirituwal na kasiglahan, lahat ng usapin ng dakilang pagbabago, lahat ng tuon sa kaligtasan, at ang lahat ay naghahanap ng bagong gawain o kilusan.
Mismong si Hesus ay kailangan maging lahat para sa iyo, Siya lamang ang pagmumulan ng iyong kasiglahan, iyong matatag na pagmumuling-buhay. Siya ang iyong patuloy na Salita ng katuruan, ang iyong bagong biyaya tuwing umaga. Sa sandaling tumawid ka sa gilid, hindi ka na maaring umasa sa mga matatalinong guro, mga piniling mangangaral, mga makapangyarihang ebangheliko. Kung patuloy mong hinahanap ang tao sa halip na si Kristo—nagdudumali sa bawat pagtitipon, naghahanap ng tao para ka basbasan—kung ganon ay hindi ka nasisiyahan kay Kristo. Siya lamang ang lahat para sa iyo.
Si Abraham ay tinawag na “kaibigan ng Diyos” (tingnan Santiago 2:23) dahilan sa kanyang malapit na kaugnayan sa Panginoon. Ang kaibigan ay isang tao na bukas ang loob na ibigay ang puso sa iba at maliwanag na ang Panginoon ay ibinahagi ang puso niya kay Abraham. Sinabi ni Yahweh, “Hindi ko dapat ilihim kay Abraham ang aking gagawin.” (Genesis 18:17)
Sa katunayan, ipinahayag ni Pablo, “Ang Diyos…ipinahayag na kay Abraham noon pa ang Mabuting Balita” (Galacia 3:8). Sa madaling sabi, ipinakita ng Panginoon kay Abraham ang mga dakilang bagay na padating. Kasama dito ang mga bansa na darating na nakita ni Abraham: “Nakita na si Abraham ay tiyak na magiging dakilang bansa, at ang lahat ng bansa ay pagpapalain sa kanya.” (8:17
Alam ni Abraham na si Hesus ay ang ipinangakong pagmamay-ari natin. Nakita niya ang matagumpay na si Hesus na pinabagsak ang lahat ng nagmamataas na makapangyarihan. Nakita niya ang tagumpay ng krus at ang maraming bansa na nagtutumulin patungo sa Lupang Ipinangako, dala ang pangako sa kanila: si Kristo mismo. Ang mga taong ito ay hindi nagsusumikap na makapasok, o kaya’y gumagawa ng mga hungkag na pangako sa Diyos. Dala-dala ang kanilang pangako sa pamamagitan ng panampalataya lamang, nagtitiwala sa Salita ng Diyos sa kanila.
Nakuha mo na ba ang Lupang Ipinangako? Nahawakan mo na ba ang nakatakda at pagpapala na pinagwagian ni Hesus sa krus para sa iyo?, Hinihikayat kita, gawin mong si Hesus ang iyong buhay, ang lahat sa iyo, lahat ng bagay sa iyo. Tanggapin mo ang paanyaya ng Diyos para sa iyo at pumasok ka sa kapayapaan at kapahingahan ng iyong walang hanggang pagmamay-ari, si Hesu-Kristo, ang Panginoon.