Lunes, Hunyo 15, 2009

BINABATI KO KAYO SA MALUWALHATING PANGALAN NI JESUS

Ang Espiritu ng Diyos ay inuga ako ng madiin para magdala ako sa inyo ng isang paalala ng kung gaano kahalaga ang magpasalamat sa Panginoon para lahat ng kanyang pag-ibig at mga pagpapala sa atin. Ang magbigay pasalamat sa kanya ay mahalaga, maging ito ay sa gitna ng kagipitan at panahon ng pagsubok.

 

Ang Diyos at Israel may alitan sapagkat hindi sila marunong magpasalamat para sa lahat ng pagpapala at sa lahat ng kaloob. Nauunawaan ni David na mahalaga sa Diyos ang ibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga tao, ngunit alam din niya na nais din ng Diyos ang kanilang pasasalamat. Isinulat ni David, “Pumasok sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang…purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan” (Awit 100:4). Kailangan tayo ay magsimula sa pasasalamat: “Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasasalamat” (50:14). “Tayo ay lumapit, sa kanyang harapan na may pasasalamat, siya ay purihin, ng may awiting may tuwa at galak” (95:2).

 

Sa mga nakaraang panahon ng pagsubok, natagpuan ko ang kagalakan at kagaanan sa pamamagitan lamang ng pagharap sa Panginoon na may kasamang pasasalamat. Sinabi ko sa kanya na ako’y napangibabawan at ako ay lubos na nagpapasalamat para sa lahat ng nagawa niya sa akin sa nakalipas na panahon. Sa pamamagitan ng paggawa nito araw-araw, ang aking espiritu ay iniangat, ang aking kagalakan ay nanumbalik, at ako ay nailagay sa kapahingahan.

 

Ikaw ba’y nagbigay pasasalamat sa Panginoon sa mga nagdaang mga araw?  Tanong ko sa inyo, hindi ba maraming bagay kayong tinanggap na dahilan para bigyan siya ng pasasalamat? Ang inyong kaligtasan. Ang inyong kalusugan. Ang aliw at pagtangkilik ng Espiritu Santo sa inyong pinakagipit na kalagayan. Ang kanyang mga nakalipas na pagliligtas.

 

Sinabi ni Pablo na kailangan tayong magpasalamat sa Diyos para lahat ngt ating natutunan. Ang kanyang mga aralin ay ay nagbigay sa atin ng ugat na kung saan tayo ay naging matibay  sa ating kinatatayuan laban sa diyablo sa mga panahong ito. “Manatili kayo sa kanya at isalig sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at laging magpasalamat sa Diyos” (Colosas 2:7).

 

Tinatawag ng Panginoon ang lahat ng kanyang mga tao sa panibagong pagbubuhos ng pasasalamat, para sa lahat ng ginawa niya sa atin.