Lunes, Hunyo 29, 2009

ANG MAPAGPALANG PAG-IBIG NG PANGINOON

 “Dinalaw mo siya na ang iyong taglay ay gintong korona, iyong pinagpala’t pinutungan siya” (Awit 21:3). Sa unang tingin, ang talatang ito ni David ay medyo palaisipan. Ang salitang “pigilin” ay may kinalaman sa paghadlang, hindi ng pagpapala. Ang makabagong pagsasalin nito dito ay, “Pinigilan ng Panginoon si David ng may kasamang pagpapala ng kabutihan.”

 

Gayunman ang makabibliyang salita para sa “pigilin” ay naglalarawan ng isang may kabuuang kakaibang kahulugan. Ito ay nangangahulugan na “asahan, manguna, makini-kinita at punuan muna, bayaran ang utang bago pa dumating ang taning ng pagbabayad nito.” Higit pa doon. Sa lahat halos ng pagkakataon, ito ay nagapapahiwatig ng may kinalaman sa kagalakan.

 

Binigyan tayo ni Isaias ng isang sulyap sa uring ito ng kagalakan. Nanggaling ito mula sa Diyos na umaasa at pinupunan ng una sa panahon. “Ang dalangin nila kahit di pa tapos ay aking diringgin, ibibigay ko na yaong hinihiling” (Isaias 65:24).

 

Ang talatang ito ay nagbigay sa atin ng di-kapani-paniwalang larawan ng pag-ibig ng Panginoon para sa atin. May katunayan, siya ay lubos na balisa para pagpalain tayo, sadyang handa para gampanan ang kaniyang mapagmahal na kabutihan sa ating mga buhay, na hindi na niya mahintay na sabihin pa sa kaniya ang mga pangangailangan natin. Kaya’t siya’y lumundag papasok at ginampanan ang pagkilos ng kahabagan, grasya at pag-ibig para sa atin.

 

Ito ang sinasabi ni David sa Awit 21, may kakaniyahan: “Panginoon, ibinuhos mo ang iyong pagpapala at mapagmahal na kabutihan sa akin bago ko pa man ito hiniling. At inialok mo ang higit pa sa maaring maisip kong hilingin.”

 

Tinutukoy ni David ang ilang nakasisindak na gawain na ginampanan ng Diyos para sa kaniya sa espirituwal na kaharian. Ito ay isang bagay na nagbigay kay David ng tagumpay laban sa kaniyang mga kaaway, mga kasagutan sa panalangin, nangingibabaw na kapangyarihan at di masambit na kagalakan. At ginawa lahat ito ng Diyos bago pa man makapanalangin si David, para maibsan ang kaniyang puso o ihain ang kaniyang mga kahilingan. At nang sa huli ay ibinuhos ni David ang kaniyang puso, natuklasan niya na napaghandaan na ng Diyos ang paggapi sa kaniyang mga kaaway. Natiyak na ang tagumpay ni David bago pa man siya nagtungo sa labanan.

 

Pinanghawakan ni David ang mga pangakong yaon. At ang una niyang ginawa ay ang alisin ang kaniyang tingin sa kaniyang padating na kaaway. Ngayon hindi na siya tumatangis tungkol sa pagiging nasa kaguluhan, sinusubok na unawain kung bakit dumating ang paghihirap. Sa halip, nagpainit siya sa pahayag ng mapagmahal na kabutihan ng Diyos: “Nang nasa panganib, ako’y tinulungan, iniligtas ako pagkat kinalugdan!” (Awit 18:19).  

 

Ito ang layunin ng Diyos para sa bawat isang anak niya kapag dumating ang kaaway sa atin na katulad ng baha. “Pinipigilan” tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang pag-ibig. Sa ibang salita, sinasabi niya sa atin, “maaring nasugatan ka, ngunit iyan ay walang halaga. Ginawa na kitang tagumpay.”