Huwebes, Hunyo 4, 2009

PAGPALAIN KAYO NG PANGINOON AT INGATAN NIYA KAYO SA KANYANG PAG-IBIG

Kamakailan, habang nagbibigay payo ako sa isang Kristiyanong lalaki na humaharap sa kanyang mga suliranin sa kanyang asawa, at sa kanyang trabaho, pumasok sa isipan ko na siya ay umaasang mananalangin ako o bigyan siya ng isang makapangyarihang payo para malutas ang kanyang mga suliranin. Gayunman inamin niya na siya man ay hindi nananalangin. Umuubos siya ng maraming oras sa panonood sa telebisyon, ngunit hindi siya nananalangin o nagbabasa ng Bibliya. Naisip ko sa sarili ko, “Ilang mga Kristiyano ngayon ay humaharap sa mga di-kapani-paniwalang magugulo at nakapananaig na mga suliranin, ganunpaman hindi nila hinahanap ang Diyos sa kanilang pansariling pananalangin.

Maari ba akong magtanong na may pag-ibig sa iyo ng ilang katanungan? Taimtim mo bang hinahanap ang Panginoon ng buong puso mo at lakas tungkol sa iyong mga suliranin at mga pangangailangan? Nagbibigay ka ba ng mahalagang sandali sa kanya sa lihim na pananalangin, naghihintay sa kanya? Gumugugol ka ba ng mahalagang sandali sa bawat araw sa pag-aaral ng kanyang Salita? Kung ang sagot mo ay hindi, ay tapatan kong sasabihin sa iyo na walang panalangin ninuman ang sasagutin para sa iyo. Inaasahan ng Diyos sa ating lahat na nagkakasundo tayo sa pananalangin.

Ipinangangako ng kanyang Salita, “Magkagayunman, masusumpungan ninyong muli si Yahweh kung siya’y buong sikap at taimtim ninyong hahanapin” (Deuteromio 4:29).

Hanggang sa di-natutunan ng mga tao ng Diyos na madaliang hanapin siya sa lihim na pananalangin para sa kanilang mga pangangailangan at mga suliranin, inihahain ang kanilang mga kaluluwa sa kanyang presensiya, ay magkakaroon ng pirmihan at paulit-ulit na kaguluhan at kawalan ng pag-asa. Tuwinang gugugol ako ng hindi nagmamadali, mahahalagang sandali kasama ang Panginoon, lagi akong pinanariwa, pinalalakas ang loob at tiwala na ang Diyos ay gagawa ng paraan.

Kung napukaw ka ng mensahe ko para manumbalik sa taimtim na pananalangin at may pananampalataya, naniniwala ako na isang araw ay pasasalamatan ninyo ako, pagkat makikita mo ang mga pagpapala at kagandahang-loob ng Diyos sa iyong kapaligiran. Malalim ang pag-ibig ng Diyos sa mga naghahanap sa kanyang mukha araw-araw. Nawa’y patawarin tayo sa ating palagiang pagpapabaya sa kanya.

Hinihikayat ko kayo, na simulan ninyong gugulin ang sandaling iyan kasama siya. Magtungo sa Diyos at ibuhos ang iyong kaluluwa sa kanyang banal na presensiya.