Lunes, Hunyo 22, 2009

ANG MALAYANG PAGPASOK SA PRESENSIYA NG DIYOS

 “Kaya nga, mga kapatid, tayo’y malaya nang makapapasok Sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa kamatayan ni Jesus. Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buhay na daang naglagos hanggang sa kabila ng tabing –alalaong baga’y ang kanyang katawan... kaya’t lumapit tayo sa Diyos nang may tapat na kalooban at matibay na pananalig sa kanya” (Hebreo 10:19-20, 22).

 

Mayroon dalawang panig sa ginawa ni Cristo sa Kalbaryo. Ang isang bahagi ay para sa kabutihan ng tao, at ang isang bahagi ay para sa kabutihan ng Diyos. Ang isa ay sa kabutihan ng makasalanan, habang ang isa ay sa kabutihan ng Diyos.

 

Tayo ay ganap na may pagkapabatid sa kabutihan sa bahagi ng tao. Ang krus ni Cristo ay nagbigay sa atin ng kapatawaran sa ating mga kasalanan. Binigyan tayo ng kapangyarihan ng tagumpay sa ibabaw ng lahat ng pagkakagapos at kapangyarihan laban sa kasalanan. Tayo ay tinustusan ng kahabagan at grasya. At, tunay nga, tayo ay binigyan ng pangako ng buhay na walang-hanggan. Ang krus ay nagbigay sa atin ng pamamaraan ng pagtakas mula sa pananakot ng kasalanan at impiyerno.

 

Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa kabutihang ito ng krus sa sangkatauhan, at para sa kahanga-hangang kagaanan na dala nito. Nagbubunyi ako na ito ay ipinangangaral linggo-linggo sa mga iglesya sa buong sanlibutan.

 

Gayunman mayroon pang isang kabutihan ang krus, isang maliit lamang ang ating kaalaman. At ang isang ito ay para sa kautihan ng Ama. Nakita natin na maliit lamang ang ating pagkakaunawa tungkol sa kaluguran ng Ama na naging tunay sa pamamagitan ng krus. Isa itong kagalakan na dumating sa kanya sa tuwinang tinatanggap niya ang isang alibughang anak sa kanyang tahanan.

 

Kung ang lahat ng ating pinagtutuunan tungkol sa krus ay kapatawaran --- kung iyan ang magtatapos sa ating pangangaral --- kung gayon ay nakaligtaan natin ang isang mahalagang katotohanan na nais ipaunawa ng Diyos sa atin tungkol sa krus. Mayroong ganap na pang-unawa na dapat matutunan dito, at ito ay may kinalaman sa kanyang kagalakan. Ang katotohqnan ay nagbibigay sa mga tao ng Diyos ng higit pa sa kagaanan. Nagdadala ito ng kalayaan, kapahingahan, katahimikan at kagalakan.

 

Sa aking palagay, higit na maraming Kristiyano ay natutunan na malayang lumapit sa Diyos para sa kapatawaran, para sa mga pangangailangan, para sa mga kasagutan sa mga panalangin. Ngunit sila ay nagkukulang sa antas ng pananampalataya --- isang kalagayan na kasing halaga ng kanilang paglalakad kasama ang Panginoon.