Huwebes, Hunyo 25, 2009

IKAW BA’Y MAHABAGING TAO?

“Ang habag mo, Panginoon ay wala nang kapantay” (Awit 119:156). “O itong si Yahweh ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag, banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas. Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi” (145: 8-9).

 

Nais kong tanungin ka ng isang katanungan na itinatanong ko sa aking sarili sa mga nakalipas na panahon: Ikaw ba’y mahabaging tao? Marami sa atin ay sasagot ng, “Palagay ko ako’y mahabagin. Sa abot ng aking kakayanan, nakikiramay ako doon sa mga nagdurusa. Nadarama ko ang kirot ng aking mga nagdurusang mga kapatid kay Cristo, at sinusubukan kong makatulong sa kanila. Ginagawa ko ang abot ng aking kakayanan para tulungan ang pangangailangan ng aking mga kapitbahay. At kapag sinaktan ako ng tao, pinatatawad ko sila at hindi ako nagtatanim ng galit.”

 

Naniniwala ako na ang lahat ng tunay na Kristiyano ay mayroong sapat na kakayanang mahabag para sa mga naliligaw at nagdurusa. Nagpapasalamat ako sa Diyos para doon. Ngunit ang malungkot na katotohanan ay, ang Salita ng Diyos ay inilalantad sa atin ang mamalim na ugat ng may pinapanigan o pinipili at may hangganang pananaw ng kahabagan.

 

Maraming relihiyon na umaangkin ng takot sa Diyos ay mayroong pananalig o paniniwala na nagsasabi ng, “Ang magiliw, mapagmahal na kahabagan ng Diyos ay ipinaabot sa buong sangkatauhan.” Bilang mga tagasunod ni Jesus, marami tayong sinasabi tungkol sa kaniyang magiliw na kahabagan sa buong sanlibutan. Ngunit narito ang katotohanajn:

 

Maramimg mga tao na kung saan ang maraming Kristiyano ay nilagyan ng hangganan ang kahabagan ng Diyos. Naiisip ko ang mga masasamang babae na nagtatrabaho sa mga walang diyos  na bahay-aliwan. Naiisip ko ang mga tao sa Africa at sa iba pang lupalop ng mundo na nagkakandamatay sa sakit na AIDS. Naiisip ko ang mga omoseksuwal na nagtitiis sa walang katapusang kirot sa puso at paghihirap ng isip, ang mga pagsubok sa kanilang mga buhay, at yaong mga naglalasing ng sagaran para makalimot at mawala ang kirot.

 

Mula sa nabasa ko sa Kasulatan, hindi ko matatanggap na tatalikuran ng aking Tagapagligtas ang walang pag-asang pagtangis ng isang masamang babae, isang omoseksuwal, isang lulong sa bawal na droga o isang lasenggo na sagad na. Ang kanyang kahabagan ay walang hangganan: walang katapusan. Kung gayon, bilang kaniyang iglesya --- ang kumakatawan kay Cristo sa sanlibutan --- hindi natin maaring pigilan ang sinumang tumatangis ng kahabagan at kaligtasan.

 

Maaring hindi natin namamalayan ang ganitong may pinipili sa ating kalooban hanggang sa ang mga ito ay nasa harap na ang ating mga mukha, inihaharap sa atin na kasama ang katotohanan sa ating mga puso. Habang ito ay isinasa-alang-alang mo sa iyong sariling buhay, tatanungin kitang muli: Ikaw ba’y mahabaging tao, magiliw at mapagmahal? Naisasalarawan ko na ang maraming nagbabasa ay nagsasabi ng “Oo.” Gayunman, tanungin mo yaong mga nakapaligid sa iyo --- ang iyong pamilya, ang iyong mga katrabaho, ang iyong mga kaibigan at mga kapitbahay, ang iyong mga kaibigang ibang lahi --- at tingnan kung paano sila sasagot.