Ang Panginoon ay may dakilang kagalakan na ibinigay ng krus sa atin na may kasamang kalayaan na lumapit sa kanya. Katunayan, ang pinakamaluwalhating sandali sa kasaysayan ay nang nahati sa dalawa ang belo, sa araw na namatay si Cristo. Sa mga sandaling iyon, nayanig ang sanlibutan, nabiyak ang mga bato at ang libingan ay bumukas.
Sa mga sandaling iyon ay bumuhos ang kabutihan ng Diyos. Sa sandali na ang templong belo --- paghihiwalay ng tao sa banal na presensiya ng Diyos --- ay nagkapira-piraso, may nangyaring kamangha-mangha. Mula sa mga sandaling iyon, hindin lamang nakapapasok ang tao sa presensiya ng Panginoon, kundi pati ang Diyos sa tao.
Siya na dating nanirahan sa “makapal na kadiliman” ay hindi naghintay sa atin para pumasok sa kanya, kundi siya mismo ang lumapit sa atin. Ang Diyos mismo ang nanguna, at ang dugo ni Cristo ang nag-alis sa lahat ng hadlang. Isa itong bahagi ng pagkilos ng Panginoon, isang uri na ang isa ay nagsabing, “Tama na --- makikipag-ayos ako. Gigibain ko ang pader na ito na nakahadlang. At gagawin ko ito sa sarili kong pangunguna.
Bago sa krus ng Kalbaryo, wala pang nakalalapit sa Diyos para sa pangkalahatang madla; ang mga saserdote lamang ang nakapapasok sa Dakong Kabanal-banalan. Ngayon ang krus ni Jesus ang nagbigay daan para sa atin upang makapasok sa presensiya ng Ama. Sa pamamagitan lamang ng kanyang grasya, giniba ng Diyos ang pader na hadlang mula sa kanyang presensiya. Ngayon makalalabas na siya para sa tao, upang mayakap ang kanyang mga alibughang anak at lahat ng uri ng mga makasalanan.
Narito ang susi sa aking mensahe: hindi ka makararating sa kagalakan at kapayapaan – ang katotohanan, hindi mo malalaman kung paano maglingkod sa Panginoon --- hanggang sa makita mo ang kagalakan sa iyong kaligtasan...hanggang sa makita mo ang kagalakan ng kanyang puso sa ibabaw ng kanyang pakikipag-isa sa iyo...hanggang sa makita mo na maalis ang bawat pader sa Krus...hanggang sa malaman mo na ang lahat ng iyong nakaraan ay nahusgahan na at nalinis na. Sinabi ng Diyos, “Nais kong magpatuloy ka, patungo sa kapunuan na naghihintay sa iyo sa aking presensiya!”
Marami ngayon ay nagbubunyi sa kahanga-hangang kabutihan ng Krus. Umalis sila sa Egipto, at sila’y nakatayo sa “panig ng tagumpay” ng kanilang pagsubok sa Pulang Dagat. Nagsasaya sila sa kalayaan, at patuloy silang nagpapasalamat sa paghagis sa dagat ng kanilang mga kalaban. Hindi nila alam kung bakit sila ay iniligtas ng Panginoon --- na kung saan ay para madala sila papasok sa kanya.