Habang ako ay nasa pananalangin, nangusap ang Espiritu Santo sa aking puso tungkol sa apat na inaasahan na ang mga tao ng Diyos ay dapat na manalig sa kanya na ang mga ito ay mangyayari. Ang mga inaasahang ito ay ayon sa mga tiniyak na mga pangako na ginawa para sa atin ng Panginoon. Ang ating Diyos ay taga-gawa ng mga pangako at taga-tupad ng mga pangako!
1. UMASA NA GAGANTIMPALAN HABANG MASIGASIG NINYONG HINAHANAP ANG PANGINOON. “Sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos, at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya” (Hebreo 11:6).
Maari kayong humiling na may pananampalataya para sa isang bagay mula sa Panginoon para makapagpalakas-loob at mapanumbalik ang inyong pagtitiwala sa sarili. Ang Diyos ay laging nasa tamang oras, at alam niya na kailangan ninyo ng pag-asa at mabuting balita sa sandali ng inyong pagsubok. Umasa kayo na tutuparin niya ang kanyang pangako na gagantimpalaan kayo ngayon, at kapag kayo ay may matinding pangangailangan. Ang Diyos ay hindi maaring magsinungaling – sinabi niya na gagantimpalaan niya yaong mga masigasig na naghahanap sa kanya – kaya hanapin siya araw-araw. At tunay na maniwala na ito ang magiging panahon ng iyong mapagpalang espirituwal.
2. UMASA NA MAKITA ANG KATUNAYAN NG PATULOY NA HIMALA SA INYONG BUHAY. “Magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay” (Marcos 10:27).
Nakapagsulat na ako tungkol sa mga biglaang himala at patuloy na mga himala. Ang mga patuloy na himala ay nagsisimula sa hindi nakikita, tahimik na paraan at nagaganap unti-unti, isang maliit na kahabagan sa bawat pagkakataon. Ikaw ngayon ay nasa ganitong himala. Asahan na makita ang Diyos na kumikilos sa mahimalang pamamaraan, hindi nakikita ng mata ng tao. Ito dapat ang panahon na sasabihin mong, “hindi ko alam kung paano ito mangyayari – wala akong nakikitang nangyayari ngayon – ngunit naniniwala ako na inumpisahan na ng Diyos ang pagtugon sa aking mga dalangin simula pa lang ng hiniling ko ito.
3. ASAHAN NA PAPASOK SA IPINANGAKO NG DIYOS NA LUGAR NG KAPAHINGAHAN. “Samakatwid, may kapahingahan pang nakalaan sa mga nananalig sa Diyos…magsikap tayong makapasok at makapahinga sa piling ng Diyos” 9Hebreo 4”9, 11).
Ang mga nagdaang taon ay siyang pinakagipit na panahon para sa maraming mananampalataya. Ito ang taon ng mga kataka-takang kalamidad, mga suliranin at mga pagsubok. Ngayon nais ng Panginoon na magtiwala kayo sa kanya na dadalhin kayo sa kanyang ipinangakong kapahingahan. Hindi sinadya ng Diyos na ang kanyang mga anak ay mamuhay sa takot at kawalan ng pag-asa. Kailangan natin ng walang-pag-aalinlangang pananampalataya, isang pagtitiwala sa kanya sa harap ng takot at kagipitan. Ngayon ang panahon na ibigay lahat ito kay Jesus.
4. UMASA NA ANG ESPIRITU SANTO AY LAGING “NASA KANYANG TEMPLO.” “Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo” (1 Corinto 6:19).
Ang Espiritu Santo ay nananahan sa puso ng bawat mananampalataya. Siya ay nasa lahat ng lugar sa buong sanlibutan at sansinukuban. Humaharap ako bawat araw na tinatanggap na siya ay narito sa kanyang templo para aliwin at gabayan ako, palakasin ang loob ko at basbasan ako, para maipakita ang kaluwalhatian ni Jesu-Cristo sa patuloy na pagpapahayag. Ninanais niya na asahan ninyo na gagawin niya na ang kanyang presensiya ay magpahayag sa inyo at higit pa lalo sa bawat pagdaan ng mga araw.
Maniwala sa mga pangakong ito. Panghawakan ang apat na inaasahang mga ito, at makikita mo ang mga kahanga-hangang mga bagay sa panahon ng buhay mong ito.