“At sa buong panahong iyon ay kasama nga niya ang Diyos. Pagkatapos, nawala siya sapagkat kinuha ng Diyos” (Genesis 5:24). Ang orihinal na kahulugan ng paglalakad ay nagmumungkahi na si Enoc ay umakyat at bumaba, pumasok at lumabas, patungo at pabalik, magkahawak kamay ng Diyos, patuloy na nakikipag-usap sa kanya at lumalagong malapit sa kanya. Nabuhay si Enoc ng 365 na taon—o, isang taon ng mga taon. Sa kanya, nakita natin ang isang bagong mananampalataya. Sa loob g 365 na araw sa bawat may gulang na taon, naglalakad siyang kahawak ang Diyos. Ang Diyos ang tangi niyang buhay—kaya’t sa katapusan ng kanyang buhay, hindi niya nakita ang kamatayan (tingnan ang Hebreo 11:5).
Katulad ni Enoc, na inilipat mula sa pagkabuhay, yaong mga naglalakad na malapit kasama ang Diyos ay inilipat palayo mula kay Satanas—iniligtas mula sa kanyang kaharian ng kadiliman at inilagay sa liwanag ng kaharian ni Kristo: “Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak” (Colosas 1:13).
Natutunan ni Enoc na maglakad ng malugod sa harap ng Diyos sa gitna ng makasalanang lipunan. Siya ay isang pangkaraiwang tao na may katulad na mga suliranin at mga dalahin, hindi isang ermitanyo na nagtatago sa yungib sa ilang. Siya ay namumuhay na may asawa, mga anak, mga obligasyon at mga pananagutan; si Enoc ay hindi “nagkukubli para maging banal.”
“At sa buong panahong iyon ay kasama nga niya ang Diyos. Pagkatapos, nawala siya sapagkat kinuha ng Diyos” (Genesis 5:24). Alam natin na mula sa Hebreo na ang talatang ito ay nagpapahayag ng pagkakalipat ni Enoc, isang katotohanan na hindi natikman ang kamatayan. Ngunit ito ay nangangahulugan din ng isang bagay na malalim. Ang pariralang siya ay hindi, na ginamit sa Genesis 5, ay nangangahulugan din na “hindi siya bahagi ng sanlibutan.” Sa kanyang espiritu at sa kanyang kamatayan, si Enoc ay hindi bahagi ng makasalanang salibutan. Sa bawat araw na kasama niya ang Diyos siya ay napalayo sa mga bagay na nasa sanlibutan. Katulad ni Pablo, siya ay namatay ng araw-araw sa buhay sanlibutan at siya ay kinuha sa kanyang espiritu patungo sa kaharian ng langit.
Gayunman habang siya ay naglalakad sa sanlibutan, nalampasan lahat ni Enoc ang mga pananagutan. Ngunit “hindi siya”—patungong sanlibutan. Walang anumang pangangailangan ng buhay ang makapaglalayo sa kanyang paglalakad kasama ang Diyos.
Maliwanag na sinabi ng Hebreo 11:5: “Bago pa sa pagkuha kay Enoc ay mayroon siyang patotoo, na kalugud-lugod siya sa Diyos.” Ano ang bagay na tungkol kay Enoc na lubos na nalugod ang Diyos sa kanya? Ito ay ang kanyang paglalakad kasama ang Diyos ay nagbunga ng uri ng pananalig na iniibig ng Diyos. Ang dalawang talatang ito ay hindi maaring paghiwalayin: “Dahil sa pananalig sa Diyos, hindi namatay si Enoc, hindi inilipat sa kabilang buhay. “Hindi na siya nakita sapagkat inilipat na nga siya ng Diyos.” Sinasabi sa Kasulatan na si Enoc ay naging kalugud-lugod sa Diyos bago inilipat.” At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya”(Hebreo 11:5-6). Madalas nating naririnig ang panghuling talatang ito, ngunit madalang na may kinalaman sa naunang talata. Gayunman sa kabuuan ng Bibliya at sa buong kasaysayan yaong mga naglakad na malapit sa Diyos ay naging mga kalalakihan at kababaihan ng may malalim na pananalig. Kapag ang iglesya ay naglalakad kasama ang Diyos araw-araw, patuloy na nakikipag-isa sa kanya, ang bunga ay mga tao na punung-puno ng pananalig—ang tunay na pananalig na kalugud-lugod sa Diyos.
Sa palibot ni Enoc, ang sankatauhan ay patuloy na lumagong makasalanan. Gayunman sa pagiging parang mga hayop ang mga tao na puno ng kalaswaan, katigasan at makalaman, si Enoc ay higit na naging katulad ng Diyos na kasama niya.
“Sa pamamagitan ng pananalig si Enoc ay inilipat.” Ito ay isang kamangha-manghang katotohanan, na halos di abot ng ating pang-unawa. Ang lahat ng pananalig ni Enoc ay nakatuon sa isang dakilang pagnanais ng kanyang puso: na makasama ang Panginoon. At kinuha siya ng Diyos bilang tugon sa kanyang pananalig. Hindi na makayanan ni Enoc na magtago sa belo; kailangan na niyang makita ang Panginoon.
Ang ating kapatid na si Enoc ay walang Bibliya, walang aklat ng awit, walang kasamang kasapi, walang nagtuturo, walang namamahay na Espiritu Santo, walang inupahang belo na may daan patungo sa Banal ng mga Banal. Ngunit kilala niya ang Diyos.
“Ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos, at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya” (Hebreo 11:6). Paano natin malalaman na si Enoc ay naniniwalang ang Diyos ay nagbigay ng gantimpala? Sapagkat iyan lamang ang pananalig na kalugud-lugod sa Diyos—at alam natin na nalugod niya ang Diyos! Ang Diyos ay nagbigbigay ng gantimpala, iyan ay, isang nagbabayad ng higit pa dahil sa pananalig. Paano ginagantimplaan ng Panginoon ang mga masisigasig?
Mayroong tatlong mahahalagang gantimpala na nagmumula sa pamamagitan ng paniniwala sa Diyos at naglalakad na kasama niya na may pananalig.
1. Ang unang gantimpala ay ang pangangalaga ng Diyos sa mga buhay natin. Ang tao na nagpabaya sa Panginoon ay nalalapit na mawalan ng kontrol habang ang diyablo ay palapit para mangibabaw. Kung siya lamang ay iibig kay Hesus, maglalakad at makikipag-usap sa kanya! Ipapakita agad ng Diyos na si Satanas ay tunay na walang kapangyarihan sa kanya at ang taong ito ay madaliang hahayaan na mangalaga si Kristo sa kanya.
2. Ang pangalawang gantimpala na kasama ng pananalig ay ang magkaroon ng “dalisay na liwanag.” Kapag tayo ay naglakad kasama ang Panginoon, tayo ay ginagantimpalaan ng liwanag, patutunguhan, pang-unawa, pagpapahayag—isang uri ng “pang-unawa” na ibinigay ng Diyos sa atin.
3. Ang ikatlong gantimpala na kasama ng pananalig ay pag-iingat mula sa mga kaaway. “Mula ngayon ay wala ng sandatang gagamitin sa iyo” (Isaias 54:17). Sa orihinal na Hebreo, ang talatang ito ay isinalin bilang: “Walang balakin, walang gamit na mapamuksa, walang kanyon ni Satanas ang makapagtutulak o makasasagasa sa iyo, kundi hindi ito mangyayari sa iyo.”