Martes, Disyembre 30, 2008

ANG DAPAT MALAMAN NG BAWAT KRISTIYANO TUNGKOL SA PAGLAGONG ESPIRITUWAL

“Dapat kaming magpasalamat sa Diyos sa tuwina dahil sa inyo, mga kapatid. Matuwid na gawin namin ito sapagkat patuloy ring umaalab ang inyong pagmamahal sa isa’t isa” (2 Tesalonica 1:3).

Isang dakilang papuri ang ibinigay ni Pablo sa mga Kristiyano sa Tesalonica! Narito ang buong kakanyahan ng kanyang sinasabi: “Isa itong hindi kapani-paniwalang makita kung gaano kayo lumago, sa parehong pananalig ninyo kay Kristo at sa inyong pagmamahal sa isa’t isa. Kahit saan ako magtungo, ipinagmamalaki ko sa iba ang tungkol sa inyong espirituwal na paglago.Tunay kong pinasasalamatan ang Diyos para sa inyo!”

Sa maiksing talatang ito, ibinigay ni Pablo sa atin ang kamangha-manghang larawan ng samahan ng mananampalataya na lumalago sa pagkakaisa at pagmamahalan. Ang salitang Griyego na ginamit ni Pablo para sa “labis na lumalago” ay nangangahulugan ng “lubos na lumago, sa taas at higit pa sa iba.” Parehong sa pag-iisa at magkakasama, ang pananalig at pag-ibig ng mga taga-Tesalonica nalampasan ang lahat ng iba pang mga iglesya.

Hayagan, ang mga taga-Tesalonica ay hindi lamang nagsusumikap na humawak sa kanilang pananalig hanggang sa bumalik si Hesus. Sila’y nag-aaral, kumikilos, lumalago—at ang mga buhay nila ay nagpakita ng mga katunayan sa katotohanang iyan. Ayon kay Pablo, sila’y pinag-uusapan ng bawat iglesya sa Asya.

Maliwanag, ang pangangaral na narinig ng mga taong ito ay nag-udyok sa kanila sa lalo pang malalim na paglalakad kasama si Kristo. Tinutunaw nito ang kanilang makasanlibutang pagnanasa at hinatulan sila ng di-makaKristiyanong mga ugali. At ang Espiritu Santo sa kanila ay winawasak ang lahat ng panlahing balakid at mga kulay na linya. Natutuklasan nila paano yakapin ang bawat tao, maging mayaman o mahirap man, may pinag-aralan man o wala. At nag-alok sila ng dakilang pangangalaga sa isa’t isa, mas ninanais ang bawat isa sa pag-ibig.

Kung ikaw ay dinidilig at pinakakain ng Salita ng Diyos, kailangang may espirituwal na paglago ka na tuloy-tuloy sa iyong buhay. Kailangang automatikong nangyayari ito.

“Hindi ko alam kung ang bawat isa sa inyong kongregasyon ay “lubos na lumalago,” tulad ng pagkakaalam ni Pablo sa mga taga-Tesalonica. Gayunman, nainiwala ako na ito ay totoo sa maraming tao natin. Bakit? Ang pinagpalang pagangaral ng dalisay na Salita ng Diyos ay laging nagbubunga ng paglago. At sinabi ng apostol Pedro na ang lahat na may nais sa purong gatas ng Salita ay lalago.

Inilarawan ni Pablo ang ating espirtuwal na paglago na gawain ng Espiritu Santo. Sinabi niya na ang Espiritu ay patuloy na gumagawa, binabago tayo mula sa kaluwalhatian patungo sa kaluwahatian. Patuloy niyang binabago ang ating mga isipan, pinipigilan ang ating katawang lupa, at dinadala ang kadalisayan sa ating kalooban. Kumikilos siya sa ating mga puso para alisin ang poot, kasaklapan, sama ng loob at lahat ng makasalanang bagay. At ibinubunga niya sa atin ang kabutihan, magiliwin at mapagpatawad para sa isa’t isa. Pinalalago niya tayo kay Kristo—itinuturo sa atin na ang lahat ng ating sinasabi at ginagawa ay dapat na karapat-dapat sa ating Panginoon!

Hinikayat pa tayo ni Pablo na, “Kaya , dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili..,” (1 Corinto 11:28). Ang salitang Griyego sa siyasatin dito ay nangangahulugan ng “suriin, subukin.” Sinasabi ng apostol, “Siyasatin ang sarili—tingnan kung ikaw ay naglalakad ayon sa Salita ng Diyos.” Patuloy natin dapat tanungin ang ating mga sarili, “Ako ba’y nagbabago? Ako ba’y lalong nagiging mapagmahal at may malambot na puso? Tinatrato ko ba ang aking pamilya at mga kaibigan ng may makaDiyos na paggalang? Ang aking bang pakikipag-usap ay nagiging matuwid?”