Biyernes, Disyembre 12, 2008

MULA SA LARANGAN NG DIGMAAN NG PANANAMPALATAYA

Nang magpasiya si Pablo na magtungo sa Jerusalem, hindi dahil sa narinig niya na ang pagmumuling buhay ay nagkakagulo. Hindi isang nawalan ng pag-asa na mangangaral na naghahanap ng isang tao para maibahagi ang Diyos sa kanya. Hindi—maliwanag na ipinahayag niya, “Muli akong pumunta sa Jerusalem…ipinaalam sa akin ng Diyos na dapat akong pumaroon…at ipinaliwanag ko sa kanila ang Mabuting Balita” (Galacia 2:1-2). Nagtungo si Pablo sa Jerusalem para ibahagi ang misteryo na nais ipahayag ng Diyos sa kanyang mga tao.

Ang makaDiyos na taong ito ay mayroong sariling punung-punong kaluwalhatian ni Kristo. Hindi natutunan ang mga doktrina sa pagsasarili sa kanyang silid aralan sa pagbabasa ng mga aklat at mga komentaryo. Hindi siya isang nag-iisang pilosopo na nangangarap ng teolohiyang katotohanan, nag-iisip, “Isang araw ang mga gawain ko ay mababasa at maituturo ng parating na salinlahi.”

Hayaan ninyong sabihin ko sa inyo kung paano at kung saan niya nagawa ang kanyang epistola. Isinulat niya ito sa madilim na kulungan. Isinulat niya ang mga ito habang pinupunasan niya ang dugo sa likod niya pagkatapos siyang pagpapaluin. Isinulat niya pagkatapos niyang gumapang mula sa dagat, nang maligtasan niya ang paglubog ng barko.

Alam ni Pablo na ang lahat ng katotohanan at pahayag na kanyang itinuro ay nanggaling sa labanan ng pananalig. At nagbubunyi sa kanyang mga kasawian para sa kapakanan ng Mabuting Balita. Sinabi niya, “Ngayon makapangangaral na ako ng may sapat na kaalaman sa bawat marino na nakaranas ng pagkawasak ng barko, sa bawat bilanggo na naikulong na wala ng pag-asa, sa lahat na humarap na sa kamatayan. Ang Espiritu ng Diyos ay ginawa akong isang subok ng beterano, para makapagsalita ako sa lahat na may taingang nakakarinig.

Hindi ka ibinigay sa kapangyarihan ni Satanas. Hindi—hinahayaan niya ang iyong pagsubok sapagkat gumagawa ang Espiritu Santo ng gawain na hindi nakikita para sa iyo. Ang kaluwalhatian ni Kristo ay inihahanda para sa iyo para sa walang hanggan.

Hindi mo makakamit ang tunay na espirituwalismo mula kaninuman o mula sa anumang bagay. Kung kailangang matikman mo ang kaluwalhatian ng Diyos, ito ay kailangang dumating sa iyo kung saan ka naroon—sa iyong pangkasalukuyang kalalagayan, mabuti man o hindi.

Naniniwala ako ang isa sa pinakadakilang espirituwalismo ni Pablo ay kanyang kahandaang tanggapin anumang ang kanyang kalagayan ng hindi nagrereklamo. Isinulat niya, “Natutunan ko nang masiyahan anuman ang aking kalagayan” (Filipos 4:11).

Ang salitang Griyego dito para sa nasiyahan ay nangangahulugan ng “makontento.” Sinasabi ni Pablo, “Hndi ko sinusubukang pangalagaan ang sarili ko mula sa mga hindi magandang kalagayan. Sa kabaliktaran ay, niyayakap ko ang mga ito. Alam ko sa aking kasaysayan sa Panginoon na gumagawa siya ng pang walang hanggan sa akin.

“Bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon” (1 Corinto 10:13). Ang salitang makayanan na ginamit ni Pablo dito ay nagpapahiwatig na ang ating kalagayan ay hindi magbabago. Ang punto ay makayanan natin anumang kalagayan. Bakit? Alam ng Diyos na kapag binago niya ang ating kalagayan ay mauuwi tayong bigo. Hinahayaan niya tayong magdusa sapagkat iniibig niya tayo.

Ang ating bahagi sa bawat pagsubok ay ang magtiwala sa Diyos sa lahat ng kanyang kapangyarihan at pagmamay-ari sa maari nating matagpuang kasiyahan sa gitna ng ating pagdurusa. Huwag sana ninyo akong bigyan ng maling pakahulugan—ang “masiyahan” sa ating mga pagsubok ay hindi ngangahulugan na magsaya para dito. Nangangahulugan lamang ito na hindi na natin kailangan pangalagaan ang ating sarili sa mga ito. Tayo ay makontento na manatili at maging matatag sa anumang ibibigay sa atin, spagkat alam nating ang ating Panginoon ay iwinawangis tayo sa imahe ng kanyang Anak.